Sasakyang walang headlight huhulihin na

HUHULIHIN na simula bukas ng gabi (Setyembre 23) ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang hindi gagamit ng headlight o ilaw sa pagbiyahe sa gabi.

Ituturing ng MMDA na isang uri ng “reckless driving” ang hindi pagggamit ng ilaw sa gabi. Kahit na sira lamang ang headlight ng isang motorista ay tiniyak ng MMDA na huhulihin ng mga kagawad ng ahensya.

Pagmumultahin ng MMDA ang sinumang mahuhuli ng P500 para sa unang paglabag, P750 sa pangalawang paglabag at kukumpiskahin ang lisensya at pagbabayarin ng P1,000 sa ikatlong opensa.

Ayon sa MMDA isa sa mga dahilan ng mga aksidente sa gabi ay ang mga sasakyan na hindi gumagamit o may sirang headlight.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply