SC magtitipid na sa papel

NAKAHANAP na ng paraan ang Supreme Court para matugunan ang napakalaking konsumo ng papel at oras na nasasayang sa lahat ng korte sa bansa.

Batay sa Proposed Rule of  Efficient Use of Paper and Court Time, lilimitahan na  ang  mga pahina, margin at format ng lahat ng mga papel para sa mga pleadings at motion na isinasampa sa Mataas na Hukuman.

Sinabi ng Mataas na Hukuman na ang mga inihahaing pleading ay maaring ilimita lamang sa 15 to 20 pahina at gawing size 14 ang laki ng mga letra.

Ayon kay SC Spokesperson at Court Adminsitrator Justice Midas Marquez, may mga ibang abogado  kasi na umaabot ng 50 hanggang 70 ang pahina ng mga pleadings ngunit kapag binasa ay paulit-ulit lang naman ang mga argumento.

Gayunman, nilinaw ni Marquez na hindi nila agad maipapatupad ang nasabing panukala
dahil marami pang dapat talakayin ang SC en banc gaya ng posibilidad na maaring may masagasaang rules of court or court proceedings kapag nagkaroon ng limitasyon sa pahina ng mga pleadings.

Maari kasi anyang  magreklamo ang isang abogado na hindi sapat ang 20 pahina para depensahan ang kanilang argument sa hinahawakan na kaso. Teresa Tavares

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply