SC pinakakalma sa kapiranggot na badyet

WALANG dapat ipag-alburuto ang hudikatura sa bagong patakaran na isinusulong ng Malakanyang para sa pagpapalabas ng Miscellanous Personnel Benefits Fund (MPBF).

Layunin lamang umanot nito ayon sa paglilinaw ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na magkaroon ng ‘transparency’ sa paggugol ng pondo ng Korte Suprema at attached agencies para hindi maabuso ang pera na nagmumula sa taxpayers o taumbayan.

Tiniyak naman ni Gonzales na ilalabas ng gobyerno ang alokasyon sa sandaling punan ng hudikatura ang mga bakanteng pwesto subalit hindi maaaring ilabas ang lumpsum kung wala pang pasusuwelduhin dahil ito aniya ay maituturing na “panloloko at panlalamang” lalo pa’t gagamitin ang pondo upang ipamudmod na bonus sa mga empleyado.

Paglilinaw pa ni Gonzales na hindi nila ginigipit o sinasakal ang hudikatura kaya sana raw ay makisama ito sa isinusulong na transparency ng Aquino Administration.

Kasabay nito ay tiniyak ni Gonzales na malabo nang magkaroon pa ng “insertion” sa ipinasang 2012 proposed national budget sa ikalawang pagbasa maging ang re-alignment sa mga alokasyong gaya ng conditional cash transfer at sa mga pampublikong ospital.

Muling isasalang ang 2012 General Appropriations Act sa October 12, 2011 para sa ikatlo at huling pagbasa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply