SC tatablahin, Reporma sa ARMM ipinatutuloy ni PNoy

IPINATUTULOY ni Pangulong Benigno Aquino III ang repormang isinusulong sa ARMM habang hinihintay ang pinal na desisyon ng Korte Suprema.

Pahayag ito ng PNoy matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa pagpapaliban ng halalan sa ARMM.

Sinabi ni PNoy sa kanyang statement na binasa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda,  nakatutok ang gobyerno sa mga hakbang na magdudulot ng pagbabago sa rehiyon at maibalik ang tunay na kapangyarihan sa mga mamamayan.

Ayon sa Pangulo, maaaring walang katapusan ang pagtatalo sa ARMM postponement pero ang mahalaga ay may positibong ibubunga ng mga itinatanim na reporma.

Kasabay nito, naglabas ng sentimiyento ang Pangulo laban sa desisyon ng Korte Suprema.

Kapag naupo na umano ang mga OIC, sa loob ng 21 buwan, magkakaroon na ng radikal na pagbabago at makamit na ng mga mamamayan ang tunay na serbisyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply