Seaman kritikal dahil sa away sa trapiko

NASA kritikal na kondisyon ang isang seaman matapos na mabaril ng isang nagpakilalang pulis dahil sa away sa trapiko sa Ermita, Maynila kagabi (Setyembre 20).

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanyang dibdib  ang biktimang si Daniel Grey, isang seaman .

Nabatid sa isinagawang imbestigasyon ng mga tauhan ng Station 5 ng Manila Police District na galing sa isang resto-bar ang biktima kasama ang mga kaibigan sakay ng isang itim na Toyota Vios nang banggain ng isang kulay maroon na Mitsubishi Lancer (UEC-374) na minamaneho ng suspek na nagpakilalang pulis sa Sta. Monica malapit sa kanto ng del Pilar, Ermita.

Nagkaroon umano ng pag-uusap at nagkakaaregluhan na nang magpambuno ang mga ito dahilan upang bahagyang masugatan ang dalawa pang kasama ng biktima hanggang sa bumunot ng baril ang suspek at binaril si Grey.

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang suspek sakay ng kanyang Mitsubishi Lancer.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at follow up operation ng mga awtoridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply