Security level ng PH normal lang sa ika-10 anibersaryo ng 9/11 terror attack

NANANATILING nasa normal alert ang level ng security ng bansa sa kabila ng pag-alala sa ika-10 taong anibersaryo ng 9/11 terror attack sa Estados Unidos.

“Ang PNP po natin naka-normal alert except for certain areas in Mindanao. Wala po tayong namo-monitor na specific threats from known groups or personalities na may links po sa mga local or foreign terrorists. But again, iyong PNP po natin, they will remain vigilant and watchful of any development that may affect peace and order,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte.

Kaya nga aniya walang plano ang Philippine National Police (PNP) na itaas ang alert level dahil na rin sa nauna nang pinaigting ng Philippine security forces simula pa ng mangyari ang pag-atake noong 2001.

“We are not upgrading our security alerts for the PNP. We are closely watching and monitoring any development. Because of this event, matagal na pong nag-tighten din ng measures iyong ating kapulisan at kasundaluhan at patuloy po iyong pagbabantay nila,” ayon kay Valte.

Hindi naman kaila sa Malakanyang na nagpalabas ng travel advisory ang gobyernong Obama noong Setyembre 2 habang handa namang pag-aralan ng kinauukulan ang mga impormasyon na may kinalaman sa 9/11 anniversary.

“They have ramped up their intelligence gathering so that any information that would be useful in this light will be put up immediately and will be taken up into consideration.”

Samantala, nakiisa naman ang Pilipinas sa buong mundo kaugnay sa paggunita ng anibersaryo ng 9/11 terror attacks.

“A decade after the terror attacks on New York City and Washington, DC, the world pauses in solemn remembrance of the grievous losses in lives on that day. We, the Filipino people, join the world in commemorating the heroism demonstrated in so many ways on that day, too. Most of all, this is a day for all nations and peoples to reaffirm their commitment to peace and stability built on mutual respect and dialogue between cultures and religions,” ayon kay Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply