Seguridad sa PAL mas pinaigting

LALO pang hinigpitan ng Philippine Airlines (PAL) ang kanilang seguridad sa mga pasahero na sumasakay sa sasakyang panghimpapawid.

Ang paghihigpit ay hindi lamang pagtalima sa panawagan ng United States Department of Homeland Security kundi para na rin sa kapakanan ng mga pasahero ng PAL na lumilipad at lumalapag ng NAIA terminal 2.

Sinabi ngayong umaga, Setyembre 12, ni PAL spokesperson Cielo Villanueva na hindi lamang ito pagtalima sa panawagan ng Transport Security Agency (TSA) ng US Department of Homeland Security na paigtingin ang seguridad sa bawat paliparan.

Ayon kay Villanueva, nakatakdang magsasagawa ng security audits ang TSA sa mga airports kabilang na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kabilang umano sa kanilang binili na bagong gamitan ay ang cargo x-ray at explosive trace detector.

Nilinaw ni Villanueva na ang cargo x-ray machine ay gagamiting pang-scan sa lahat ng cargo at malinaw na makikita ang laman nito dahil may high resolution capability ang PC-based na kagamitan

Ang explosive trace detector naman ay pitong segundo lang ay malalaman na kung ang isang kahinahinalang gamit ay may kasamang pampasabog.

Ang pagbili sa dalawang kagamitan ay accredited ng US transportation security administration.

Maliban dito ay dinagdagan din ng PAL ang kanilang mga bomb sniffing dogs na tumutulong sa pagpapatupad ng seguridad sa airport. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply