Sekyu tigok sa mga nakatalo sa Valenzuela

TIGOK ang isang sekyu matapos pagsasaksakin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na nakatalo ng una sa loob ng videoke bar sa Valenzuela City, kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Richard Sequebiense, 23, stay-in security guard sa Cabral St., Maysan, Valenzuela City.

Base sa ulat, ala-1:30 ng madaling-araw, nakikipag-inuman ang biktima sa videoke bar sa General T. De Leon nang makatalo ang mga suspek na nasa kabilang mesa.

Naawat naman hanggang sa lumabas ang mga suspek at inabangan ang biktima.

Paglabas ng biktima ay hindi na pinaporma ng mga suspek sabay na pinagtulungang pagsasaksakin bago nagsitakas.

Inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga suspek at kung ano ang kanilang pinagtalunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply