Sekyu todas sa tatlong holdaper

PATAY ang isang 34-anyos na security guard matapos itong pagtulungang barilin ng tatlong hindi nakikilalang holdaper nang tangkain holdapin ng huli ang isang sari-sari store sa Malate, Maynila kaninang umaga (Sabado, Setyembre 3).

Nakilala ang biktima na si Musanib Aragasi, sekyu ng Jimenez Protective Security Agency at residente ng Ignacio Street FDR-2 Bagog, Navotas City sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tatlong di pa nakikilalang holdaper na mabilis na tumakas gamit ang isang taxi (TUV 575) matapos ang insidente.

Ayon kay PO2 Jose Gumilan, ng Manila Police District-homicide section, naka-duty umano ang biktima nang lapitan ng dalawa sa mga suspek at tutukan ng hindi nabatid na kalibre ng baril at dito na nagdekalra ng holdap

Tinabig umano ng biktima ang kamay ng isa sa holdaper hanggang sa nakipambuno pa umano ito. Sa puntong ito, pinaputukan siya ng dalawang beses sa katawan ng isa sa mga suspek.

Nang makitang may tama ang biktima, mabilis na nagsitakas ang tatlong suspek.

Agad namang itinakbo ni Lomberg Aquino, helper, sa Ospital ng Maynila ang biktima ngunit hindi na rin ito nailigtas pa ng mga doktor.

Ayon sa pulisya, nabigo naman ang mga holdaper dahil walang nakuha ang mga holdaper sa binabantayang sari sari store biktima.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nabanggit na insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply