Sekyung nabugbog, takot magsampa ng kaso laban sa Kongresista

AYAW magsampa ng kaso ang security guard ng Ayala Techno Hub na nabugbog umano ni Lanao de Sur Rep. Mohammed Hussein Pangandaman dahil sa takot.

Sa isang panayam sa isang radio, sinabi nito na takot siyang makabangga ang isang mataas na tao at pinapatawad na umano niya ang kongresista.

Ngayong araw ng Miyerkules dapat pupunta ang sekyung si Ricrdo Bonayog sa Commission on Human Rights para magsampa ng kaso ngunit hindi ito sumipot.

“Natatakot po ako kasi ang nakabangga ka po ay malaking tao po. Mayroon hong katungkulan po sa gobyerno. Simpleng tao lang po ako,” ayon kay Bonayog.

“Gusto ko na lang pong manahimik, pinapatawad ko na po siya,” dagdag pa niya.

Sa huling bahagi ng kanyang telephone interview, pinanindigan nito na sinuntok siya ng dalawang beses ng kongresista sa mukha.

“Ang totoo po, sinuntok po niya ako ng dalawang beses sa may mukha po… sa may malapit po sa tainga,” pagbubunyag pa ni Bonayog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply