Sen. Bong Revilla madalas tirahin ni Arnold Clavio sa kanyang radio program

NAGTATAKA itong guwapo at mabait nating senador na si Bong Revilla at kampo nito kung bakit hindi naman panahon ng election, patuloy pa ring tinitira ni Arnold Clavio si Bong sa radio program nito sa DZBB.

At ang favorite topics nito sa nasabing sikat na actor-politician (Bong) ay sa kabila raw ng pagkakaroon ng asawa’t mga anak ay kaliwa’t kanan pa rin daw ang pambabae nito. May gosh abelgas, kahit ba behaved na si Papa Bong, ayaw pa rin siyang tantanan ng ganitong klaseng intriga na dapat ay nilulumot na? Kasi after nitong ma-link kina Ruffa Mae Quinto at Jo Canonizado ay wala nang ibang babae pang nauugnay kay Bong.

Sa madaling salita ay imbento lang at paninira ‘yung blind item nitong si Clavio sa chicks raw na nakikita ngayong kasama ng nasabing senador. Hay naku, Mr. Clavio bago ka manglait ng kapuwa mo, manalamin ka muna, no? Bakit ikaw ba maliban sa misis mo hindi ka man lang ba naugnay sa ibang babae? Hindi ba’t hanggang ngayon ay ayaw pa ring mamatay-matay ang tsismis na naging kayo ni Sarah Balabagan at diumano ay may anak ka pa rito?

At ang da height pa kung si Papa Bong ay good provider, ikaw raw deama sa sustento sa child mo kay Sarah. Naku! Kung true ito, super rich ka na, mag-share ka naman ng blessing mo Kuya. Ang sasakyang Expedetion mo nga eh, inaabot ng 5,000 ang gasolina araw-araw, no? Chaka, gyud!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply