Sen.Bong Revilla natutuwa sa pagkawala ng lisensiya ni Hayden Kho

BALITANG natuwa si Sen. Bong Revilla sa huling desisyon ng Professional Regulation Commission na tanggalan na ng lisensiya bilang doctor si Hayden Kho bunga ng pagkakadawit niya sa video sex scandal.

Kasi, si Sen. Bong ang nag-back up nang husto kay Katrina Halili na ipaglaban ang kanyang karapatan sa ginawa sa kanya ni Kho.

000

GUMAGANDA pareho ang career nina Derrick Monasterio at Joyce Ching. Balita sa amin ng source, silang dalawa ang tampok sa bagong soap ng GMA-7 at kasama rin siyempre ang love team nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Malapit na raw simulan ang bagong soap na ito dahil kumpleto na raw ang casting. Kailangan na lang ng mag-story conference, tapos ay magsisimula na ang taping nito.

Ngayon pa lang ay excited na pareho sina Derrick at Joyce sa bagong tambalan nila. Marami na kasing nakapapansin sa talent ng dalawang tween star na ito na kasalukuyang napapanood tuwing Sunday sa “Tween Hearts,” ang tampok na istorya ng “Reel Love,” pagkatapos ng “Party Pilipinas.”

000

NAKATUTUWANG kausap si Mommy Elvie ni Ariel ng duo na Ariel and Maverick. Tunay na pangalan ni Ariel ay Ariel Villasanta kaya pwedeng tawagin din si Mommy Elvie na Mrs. Villasanta.

Kahit 80-years old na si Mommy Elvie o Mrs. Villasanta, matalas pa rin ang memorya niya. Sa pagkukuwento ng Madera ni Ariel, matutuwa ang sinumang nakikinig sa kanya dahil sa kanyang sense of humor.

Maaaring dito pa kay Mommy Elvie nagmana si Ariel at ang pamangkin niyang sikat na comedian at TV host na si Joey de Leon. Magkapatid kasi ang nanay ni Joey at si Mommy Elvie sa tunay na buhay.

Sa sikat na reality comedy program na Mommy Elvie at 18, na muling ipalalabas sa September 7 sa GMA News TV Channel 11, mapanonood ang spontaneity ng mga dialogue ni Mommy Elvie na walang script siyang binabasa kung hindi tanging story line lang ang ibibigay sa kanya ng kanyang anak na si Ariel.

Samantala, makikita sa mga film clips ng around the world wedding spree nina Ariel at Cristina Decena na hindi sumasama si Mommy Elvie kahit anong pilit ng kanyang manugang at anak.

Ani Mommy Elvie: “Kasi, takot sa matataas na lugar. Takot nga ako sumakay ng elevator, paano pa ang eroplano? Saka, matanda na ako para pa sumubok ng ganitong experience.”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply