Senado gagawa ng batas ukol sa HDO, WLO

TINIYAK ni Sen. Franklin Drilon na maitutulak sa Senado ang panukalang batas kaugnay ng pagpapatupad ng hold departure order (HDO) at watch list order (WLO) laban sa isang akusado.

Ayon kay Drilon, mabuting magkaroon ng malinaw na batas para sa pagpapataw ng HDO o WLO upang maiwasan ang kontrobersiya tulad ng kaso ni dating First Gentleman Mike Arroyo na dumulog pa sa Korte Suprema.

Sa ihahain na panukalang batas, lilinawin umano ni Drilon kung sino ang may karapatan na maglabas ng HDO o WLO laban sa isang akusado at kung kailan ito ipapataw at babawiin.

Sa kasalukuyan , tanging circular order lamang mula sa Department of Justice (DOJ) ang pinagbabatayan nito.

Ayon pa kay Drilon, magkakaroon muna ng konsultasyon sa DOJ at iba pang may kinalaman na ahensya ng pamahalaan para sa pagsasabatas ng panukala.

Una rito ay umalma si Arroyo matapos na inilagay ng DoJ sa watchlist kasunod ng kinasasangkutang kontrobersiya sa PNP chopper scandal na sa kalaunan ay tinanggal din ng Korte Suprema. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply