Senado nabulaga sa P1.5B hirit ni Robredo

MISTULANG bombang sumabog sa pagdinig ng Senate committee on finance ang hirit ni Interior and Local Government Sec. Jessie Robredo sa hinihinging P1.5 bilyong pondo upang pangasiwaan ang pagtatayo ng patubig sa 150 waterless municipalities.

Sa pagpapatuloy na pagdinig ng Senate committee on finance sa pamumuno ni Sen. Franklin Drilon, pansamantalang itinigil ang deliberasyon sa kuwestiyonableng pondo ng DILG sa patubig na tungkulin ng Local Water Utilities Administration (LWUA).

Napag-alaman kay Sen. Panfilo Lacson na humingi si Robredo ng P1.5 bilyong pondo upang tustusan ang pagpapatayo ng patubig sa 150 munisipyo na kapos o kundi man walang nakatayong patubig bilang pagtugon umano sa pagpapasigla ng agrikultura.

Ikinatuwiran ni Robredo na hahawakan mismo ng DILG ang pagpapatayo ng patubig sa halip na ibigay sa LWUA.

“Sa halip na LWUA, DILG na lamang ang hahawak ng naturang programa,” ayon kay Robredo.

Dahil dito, pansamantalang itinigil ni Drilon ang deliberasyon upang mapag-aralan ng komite kung angkop ang pondong hinihingi ng DILG sa patubig saka tinalakay ang badyet ng ibang attached agencies ng ahensiya.

Kasalukuyang tinatalakay ang badyet ng National Police Commission (Napolcom) Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology, Local Government Academy at Phlippine Public Safety College.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply