Senador Angara kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN ngayon ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Office of the Ombudsman si Senator Edgardo Angara.

Sa inihaing reklamo ni Felino “Jun” Palafox Jr., lumabag umano sa Code of Ethics ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Angara nang payagan nito na maitayo ang Aurora Pacific Economic Zone (APECO) sa lalawigan ng Aurora kahit na malambot ang lupa doon at itinuturing itong flood at landslides prone area.

Sinabi ni Palafox na may pansariling interes si Angara sa pagpayag sa proyekto.

Maliban kay Angara ay kinasuhan rin ang apat na board member ng APECO.

Si Palafox ang dating architect nang proyekto ngunit nang ipabatid niya kay Angara ang panganib ng proyekto ay tinanggal siya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply