Senador dumalo sa hearing para lamang manginain

NAKAHIHIYA naman ang naging asal ng mambabatas na ito akalain ninyo na dumayo pa siya sa ibang hearing makakain lamang ng libreng sandwich at kape.

Ang siste, sabi kay matang Kuwago ng Remate ay walang pagkain sa pinanggalingan nitong komite hearing gayong siya naman ang chairman at nagkokontrol ng pondo ng komite.

Ang pinakamalupit pa sa mambabatas na ito ay talagang bigatin sa Senado dahil talagang super request pa at agad na nakaabang ang kanyang alalaya para umorder ng kape at sandwich sa waiter.

Charged iyon sa committee funds ng committee na may hearing na dinaluhan niya at hindi sa komite na pinanggalingan niya.

At talagang nagsi-gasigaan ang mambatas na ito dahil pagdating sa komite.

Agad-agad na humingi ng kape at nang matagalan sa pagseserve ng kanyang mga order  ay nakasimangot at nagalit pa ito.

Gutumin si senador pero imposible naman sigurong walang tinapay at kape sa bahay nila at imposibleng walang almusal at pambili ng pagkain ang mambabatas.

Ang malupit na natuklasan ni matang kuwago, hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng mambabatas kundi madalas at kanya nang gawain palagi.

Bigyan ko kayo ng ideya para makilala ninyo siya. Ang kanyang pangalan ay may letrang A sa kabuuan ng kanyang pangalan.

Paalala: mag-ingat sa binibili ninyong baboy baka ito ay botcha.

Isumbong ninyo kay Senador Manuel “Manny” Villar, Jr., nang mahuli ito.

Baka kasi may sakit pa itong foot and mouth disease.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply