Senador gustong ubusan

KAKAIBA ang natuklasan ni matang kuwago ng Remate dahil kahit hindi kasagsagan ng election at hindi re-electionist ang isang mambabatas na ito kundi nasa end of term, take note, end of term, ay palaging nais ng mga staff nito na magkaroon ito ng sortie kada linggo at balak na ubusin ang budget ng senador at ng opisina nito.

Patunay riyan ang reklamo ng isang staff ng mambabatas kay matang kuwago na sa kabila ng kanyang pagtutol sa sortie dahil sa wala naman itong koneksyon sa buhay politika ng senador ay pilit pa ring iginiit ito ng mga senior staff ng senador, kabilang na ang Chief of Staff.

Alam ba ninyo ang dahilan? Nais pala nilang makibanang dahil sa bawat sortie, kasama silang nakababakasyon at nakapagliliwaliw nang libre gamit ang pera ng
taong bayan.

Dahil sa lahat ng gagastusin nila sa sortie ay puwedeng i-reimburse kabilang na ang kanilang pagbili ng pasalubong para sa pamilya at pag-inom ng alak.

At hindi lamang iyon.

Sumbong pa ng impormante kay matang kuwago na pinagkakakitaan din ito dahil sinasabayan nila ng business meeting na personal at hindi para sa mambabatas.

Kaawa naman ang mambabatas at kung sakaling re-electionist ang mambabatas na ito ay tiyak na mananalo dahil tulad ng kanyang pagkapanalo ay puwede niya ulit gamitin ang pangalan ng kanyang asawa upang manalo at hindi na niya kailangan pa ng sortie.

Ito pa, sa bawat sortie hindi ang mambabatas ang pinapabango ng mga staffna ito sa bawat local leader kundi ang sarili nila ang ibinibenta kapalit ng personal interes.

Minsang tumakbong independent ang mambabatas na ito at nanalo naman at mayroong silang hindi pagkakaunawaan ng pamilya ng kanyang misis.

Maglason na lang kayo ng langis at tubig kung ‘di niyo ma-gets ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply