Senador nagkakalat ng laway sa katabi

NAKADIDIRI naman ang mambabatas na ito dahil wala siyang pakialam sa kanyang personal hygene.

Nasaksihan ng matang kuwago ng Remate kung papaanong nagkakalat ang bula ng kanyang laway sa kanyang labi.

O hindi ba, yaaak, kadiri si sir?

Kaya kayo, huwag kayong tatabi kay sir baka matalsikan kayo ng bula ng kanyang laway. Hindi natin alam kung bad breath si sir.

Ito pa ang malupit. Halos hindi na siya tinitingnan ng mga kaharap niyang kausap dahil sa pandidiri sa kanya, kaya siguro hindi masisi ang ilang reporter kung bakit sila lumalayo kay sir habang kanila itong ini-interbyu.

Ang malupit pa rito kay mambabatas, bukod sa buo ang kanyang laway sa kanyang labi ay ang hilig-hilig pa nitong mangulangot at sundutin ang kanyang ilong na tanging gamit ay kanyang daliri at hindi man lamang kumuha ng panyo o napkin.

Ang malupit pa nito ay hindi rin lamang tumalikod sa mga taong kaharap niya, mukhang may problema sa breeding o personal hygene ang mambabatas dahil hindi ito ang unang beses na nasaksihan ni matang kuwago ang pangyayari.

Isang beses nga ay halos masuka-suka pa ang kausap ni sir at nawalan ng ganang kumain dahil sa naranasan sa kanya.

Biruin mo, kung anong bigatin niya sa Senado bilang isang halal na mambabatas ay siyang bigat ng kanyang kulangot sa ilong at bula ng laway sa bibig.

Sa mga kumakain po ay tabi-tabi po muna at pasensya. Ibinabahagi ko lang po ang kababuyan, este, ang kadidirihan ni sir.

Atin nang silipin kung sino ang senador na ito.

Siya ay kilalang malapit sa pamilya Aquino. Patunay dyan ang lahat ng hilingin niya ay kanyang nakakamtan lalo na ang mga proyekto o budget allocation.

Kapartido siya ni PNoy subalit bigong maging Se-nate President dahil sa kawalan ng suporta ng kanyang kapwa mambabatas maging ng kanyang kapartidong senador.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply