Sentensiya kay Garcia tumakot kay GMA

NANINIWALA si Senador Panfilo Lacson na lumikha ng takot kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang ibinabang sentensiya ng military court kay dating AFP Comptroller retired Maj. Gen. Carlos Garcia noong 2005 dahil posibleng ibisto rin ng heneral ang kanyang baho.

Nagtataka si Lacson kung bakit binuro ni dating Pangulong Arroyo ang implementasyon ng sentensiya kay Garcia na napatunayang lumabag sa dalawang Articles of War.

Umabot pa ng anim na taon at bagong commander in chief sa katauhan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, bago naaprubahan ang sentensiya kay Garcia.

Nitong Biyernes ng umaga ay inaresto si Garcia sa kanyang bahay upang pagsilbihan ang dalawang taong parusang pagkabilanggo sa National Bilibid Prison sa kasong noon pang 2005 nadesisyunan ng military court.

Nahatulan ito ng pagkakasala sa ‘misdeclaration’ ng kanyang assets gayundin sa pagiging ‘green card’ holder nito kahit nasa aktibong serbisyo pa.

Bukod sa pagsisilbi niya sa dalawang taong kulong sa lumang kaso, humirit pa ang Ombudsman sa Sandiganbayan na ibasura ang plea bargain agreement na pinasok ni Garcia sa dating Ombudsman, kung saan nabura ang kasong plunder nito kapalit ng pag-ako sa magaan na kasalanan kasabay ng pagsauli ng mahigit P 100 milyon mula sa kabuuang P 303 milyon na ninakaw umano nito sa AFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply