Serye ng suicide sa bansa pinaiimbestigahan

NAIS paimbestigahan ni Senador Manny Villar ang serye ng pagpapakamatay sa bansa.

Ang pahayag ni Villar ay matapos ang magkasunod na pagpapatiwakal sa mall at sa Tondo, Maynila.

Sa Senate resolution No. 597 na inihain ni Villar, ang suicide ay madalas na bunga ng depression pero kailangan din aniyang usisain ang iba pang aspeto ng pagsu-suicide ng isang tao.

Ayon kay Villar, maraming paraan upang magamot ang depression ng tao o problema sa utak dahil sa advance na ang science at teknolohiya.

Iginiit ni Villar na dapat magtayo ang gobyerno ng mental depression centers para makatulong sa mga mamamayan na halos wala ng pag-asa sa buhay at sa mga taong may suicidal tendency.

Sinabi pa ni Villar na dapat palitan din ang pangalan ng National Mental Hospital upang hindi katakutan ng mga tao na gustong magpagamot o sumailalim sa psychiatric medications.

Kaugnay nito, gustong malaman ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa Philippine National Police (PNP) kung ilan ba talaga ang tunay na datos ng mga loose firearm sa bansa.

Dahil dito, nais din ni Pimentel na magpatawag ng pagdinig sa Senado hinggil sa loose firearms at sa mga nagkalat na homemade gun o paltik matapos ang naganap na pagpaslang sa loob mismo ng mall kung saan sangkot ang dalawang menor-de-edad.

Labis na nababahala ang senador sa pagkalat ng mga baril sa ilang sibilyan na kadalasan ay mga walang lisensya na nagagamit sa krimen tulad ng panghoholdap, carnapping, kidnapping, homicide at extra-judicial killings.

“It is shocking to note that the accessibility of these loose firearms and home-made guns among civilians can already be compared virtually to high-tech gadgets like cellphones,” ani Pimentel.

Ani Pimentel, napakahalaga na malaman ang tunay na bilang ng mga loose firearm sa bansa, maging sa mga militar at ibang ahensya ng mga awtoridad.

“Loose firearms freely falling into the wrong hands who are not qualified to bear such firearms will endanger the security and safety of the people,” wika pa ni Pimentel.

Dagdag pa ng senador dapat ding higpitan ang pagbibigay ng lisensya sa mga sibilyan.

Aniya, siguraduhing dadaan sa tamang proseso ang mga kukuha ng lisensya at kwalipikado ang mga ito sa mental, physical at psychological na aspeto na magpapatunay na nararapat na magkaroon ng baril.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply