Shamcey at Venus magbabanggaan sa ABS-CBN

MAKIKITA ngayon kung sino ang magaling sa hosting sa pormal na pagpasok ni Shamcey Supsup sa ABS-CBN dahil itatambal siya kay Venus Raj sa gagawing pre-Christmas special ng istasyon.

Excited na raw si Miss Universe 2010 4th Runner-Up na makatambal itong Miss Universe 2011 3rd Runner-Up sa gagawing event. Bale test daw ito sa hosting prowess ni Shamcey para sa pinaplanong programa ng Dos sa huli.

Dapat mas galingan ni Venus dahil nahasa na siya sa “Umagang Kay Ganda” bilang isa sa mga host ng programa. Samantalang si Ms. Supsup ay baguhan lamang sa larangang ito.

Anyway, sabi’y si LLoyd Lee daw ang suwerteng lalaking nagpatibok sa puso ng seksing dalaga dahil siya ang first boyfriend ng seksi at matalinong dalaga. Iyon nga lamang, binukilya naman daw siya ng dating maestro sa Makati High School na dati raw pala niyang bf ang presidente ng student council ng eskuwelahan. So, lumalabas na ito ang unang karelasyon ni Ms. Shamcey, hindi si Lloyd. Kaya hindi totoong nabantayang mabuti ni Mang Timoteo Supsup ang kanyang dalaga sa maagang pakikipag-mabutihan sa mga lalaki.

Okey lang ‘yun. Natural lang ‘yun sa mga kabataan. Matinong binata naman ang unang naging siyota niya, katulad din ngayon na disente at mabait na binata ang sumunod niyang papa.

***

Ibi-build-up daw ang anak, pero ang tatay ang umieksena

KASING-GALING ng tatay ang kanyang anak sa kantahan. Pero siyempre panahon na ng kanyang anak ngayon dahil bata ito at mas magandang lalaki. Sabi rin ng karamihan e, mas magandang lalaki ang huli. Oo nga’t magka-boses din sila ngunit di hamak na mas mataas na ngayon ang boses nitong binata.

Kumbaga, tapos na ang panahon ng may edad ng singer. Lipas na rin ang kanyang istilo. So, dapat ipaubaya na niya sa kanyang hijo ang lahat ng pakakataon at diskarte para sumikat naman ito. Iyon naman talaga ang pangako ng tatay e.

Kaya lamang, ang nangyayari, ang matandang singer ang laging umieksena. Kapag may mga reporter ito ang unang nagpapa-interview. Hindi pa nga nakalalabas sa mga TV programs ang batang singer, ang tatay ay naikot na ang lahat ng programa sa telebisyon. Interview doon, interview dito.

Nasaan na ‘yung OPM ng dating mang-aawit na ipauubaya na niya sa kanyang binata ang kasikatan?

Kapag pinaguusapan, pinapalakpakan at hinihiyawan on stage ang unico hijo nito, masakit ang loob ng may katandaan na singer kaya alak ang binabalingan nito. Kaya imposible talagang magkapangalan ang kawawang binata. Asang-asa pa naman ito na balang araw ay masundan niya an yapak ng kanyang daddy.

Di ko kayang tanggapin ang ganitong sistema. Kayo, kaya n’yo?

***

Ate Guy masama ang loob sa nagsususulat ng negatibo

“BAKIT gano’n?  Bilang writer, may karapatan ka ba na ‘mamik-ap’ lang ng lumang issue?  Napakalinis mo bang tao?” sabi ni Nora.

“Ayaw ba nila sa nagsasabi ng totoo?  Wala naman kasi akong dapat na itago, dahil hindi naman masama ang magsabi ng totoo.”

“Bakit hindi nila pag-usapan kung anuman ang nai-contribute ko sa industriya?”

“‘Yun na lang sana ang sabihin. Tama na ‘yung intriga.”

“Ang problema kasi, wala silang respeto sa mga taong tumutulong sa industriya.”

“Sana ‘yun ang makita nila, ang mga bagay na makakatulong nang malaki para sa industriya.

“Kung marami ka namang nagawa, ikaw naman ang ibababa nila,” ang sabi ni Nora na punong-puno ng hinanakit. Nabasa mo, Ms. Cristy Fermin? Hehehe!

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply