Shamcey makakatambal ni Bong sa Panday 3

KUNG si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., lamang ang masusunod, kukunin niya kaagad si Miss Universe third runner-up Shamcey Supsup bilang leading lady sa ikatlong bahagi ng pelikulang “Ang Panday” na tumatabo sa takilya.

Sa panayam, sinabi ni Revilla na gumagawa na siya ng paraan upang makumbinsi ang arkitektang napasama sa finalists ng Miss Universe kamakailan upang makasama nito sa gagawing Ang Panday 3.

“Gusto kong makapartner si Shamcey, kung gusto nya lang mag-artista, gagawin ko siyang leading lady ko sa Ang Panday 3,” ayon kay Revilla.

Naniniwala si Revilla na magiging box office hits si Shamcey dulot ng ipinakita nitong galing sa pagwawagi bilang ikaapat na pinakamagandang babae sa buong sangsinukob.

I will not hesitate to get her as my partner in the movie. I am sure it will be a box office hit,” giit ni Revilla.

Kasalukuyan nang sinisimulan ni Revilla ang preparasyon sa pagsasapelikula ng ikatlong installment ng Panday series na tumabo sa takilya noong 2009 Metro Manila Film Festival.

“Maybe by next year, she would not be busy anymore or maybe after her reign ends, I will ask her to be my leading lady in the film,” patapos ni Revilla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply