Shamcey pararangalan ng Senado

ISANG resolusyon ang inihahanda ng Mataas na Kapulungan upang pormal na batiin at kilalanin ang malaking karangalang iuuwi ni Shamcey Supsup mula sa pagsabak sa Miss Universe 2011.

Dahil dito, nagkaisang tinuran ng mga senador na isang malaking karangalan para sa Pilipinas ang ibinigay ng pambato ng bansa sa Miss Universe 2011.

Sinabi ni Senador Francis  Pangilinan na isa pa ring tagumpay ang maging third runner-up sa napakalaki at prestihiyosong kumpetisyon gaya ng Miss Universe.

Ayon naman kina Senators Antonio Trillanes IV at Gregorio Honasan, isa itong pagkakataon para muling magdiwang dahil sa panibagong pride ng bansa sa katauhan ni Shamcey.

Ayon kay Honasan, kung tutuusin, kahit pa hindi naputungan ng korona si Shamcey, ang makapasok ito sa top 10, lalo pa sa top 5 ay malaking karangalan na sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply