Shamcey Supsup bagong pride ng Pilipinas

MULI na namang nagbigay ng karangalan sa Pilipinas ang pagkakapanalo ni Shamcey Supsup bilang third runner-up sa katatapos na 2011 Miss Universe na ginanap Martes ng umaga (Setyembre 13, petsa sa Pilipinas) sa Sao Paolo, Brazil.

Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Shamcey ngunit marami rin ang nalungkot dahil hindi niya naiuwi ang korona ng pinaka-prestihiyosang pageant sa balat ng universe.

Bago pa man ang coronation night ay paborito na si Shamcey sa mga social networking site. Sa katunayan, nanguna siya sa mismong online polls ng website ng Miss Universe.

Si Shamcey ay ipinanganak sa Iligan City noong May 16, 1986 ngunit ang kanyang pamilya ay lumipat sa General Santos City kung saan siya lumaki (Barangay Katangawan).

Sa isang panayam sa telebisyon sa ama ni Shamcey na si Ginoong Timoteo, isang farmlot owner, nag-aral sa kindergarten at elementary si Shamcey sa Notre Dame of Lagao (na ngayon ay Notre Dame of Gen. Santos City).

Nag-first year high school si Shamcey sa Mindanao State University High School dahil lumipad siya pa-Maynila kasama ang ina na si Marcelina, isang inhouse Civil Engineer sa Filinvest Alabang. Natapos ni Shamcey ang high school sa Makati City High na isang salutatorian.

Gaya ng kanyang ina, kinuha ni Shamcey ang kursong B.S. Architecture sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City, kung saan siya ay nagtapos na isang Magna Cum Laude.  Pagkatapos ng isang taon, noong Hunyo 2010, nanguna si Shamcey sa Architectural Board Exams.

Wala pang isang taon pagkatapos na pangunahan ang board exams ay kinoronahan siya bilang 2011 Bb. Pilipinas – Universe!

Sa katatapos na Miss U pageant ngayong araw, kung saan nagpatalbugan, nagpabonggahan sa kasuotan, pagrampa at katalinuhan ang 89 na naggagandahang dilag mula sa iba’t ibang parte ng mundo, ay nakuha ni Shamcey ang ika-apat na pwesto (3rd runner-up) kasama sina Miss China (4th runner up), Miss Brazil (2nd runner up), Miss Ukraine (1st runner up) at Miss Angola (2011 Miss Universe).

Naghahanda na ang General Santos City para salubungin ang bagong pride ng bansa.

Maging ang Kongreso at Senado ay magbibigay-pugay sa naiambag na karangalan ni Shamcey para sa bansa.

Tinatapos na lamang ni Shamcey ang ilang apperance sa Brazil bago umuwi sa bansa.

Congratulations Shamcey!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply