Shamcey Supsup dumating na

NAGING mainit ang pagsalubong kay Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup sa bansa kaninang umaga, Setyembre 18.

Nabatid na naantala ng trenta minuto ang kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 kung saan nakatakda sana ito nang 6:00 ng umaga.

Kasama ni Shamcey sa pagdating ang kaniyang ina at ilang opisyal ng Binibining Pilipinas Charities Inc..

Masayang masaya naman ang Miss Universe 3rd runner-up matapos malaman na tatlong engrandeng pagsalubong ang naghihintay sa kaniyang pag-uw na kinabibilangan ng programang inihanda sa Makati City, kung saan siya nag-aral bilang high school, sa Cainta, Rizal kung saan siya nakatira ngayon at sa General Santos City na kaniyang pinanggalingan.

Hindi naman naitago ni Shamcey ang pananabik sa pagkain ng mga Pinoy foods dahil higit isang buwan siyang wala para paghandaan ang 60th Miss Universe pageant na ginanap sa Sao Paolo, Brazil.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply