Shamcey Supsup handang maging Tourism Ambassador

NAGPAHAYAG ng kahandaan si Miss Universe third runner up Shamcey Supsup na maging Tourism Ambassador.

Ipinabatid ito ni Supsup sa ginanap na press conference matapos bumalik ng bansa ang Pinay Beauty Queen mula sa pagsabak sa Miss Universe Pageant Sa Sao Paolo, Brazil.

Ayon kay Supsup, bibisitahin niya ngayong araw na ito ang kaniyang alma mater na UP-Diliman kung saan siya nagtapos ng Architecture bilang magna cum laude.

Dumating kahapon ng madaling araw (Setyembre 18) mula sa Los Angeles, California si Supsup kung saan siya nanatili ng dalawang araw matapos ang ginanap na Miss Universe Sa Sao Paulo, Brazil.

Inaasahang bukas ay makauuwi na sa General Santos City si Supsup na inaabangan na ng kaniyang buong pamilya, mga kaanak, mga kaibigan at kakilala.

Ayon kay Timoteo Supsup, ama ng beauty queen, all set na ang hero’s welcome para sa kaniyang anak gayundin ang motorcade at press conference para rito.

Hirit pa ni Mang Timoteo sa anak ay isama ang boyfriend nitong si Lloyd Lee sa pag uwi sa GenSan bukas.

Bukas naman ang Malacañang sa panukalang gawing ‘tourism champion’ ang beauty queen para i-promote ang Pilipinas bilang prime tourist destination.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may sense ang proposal ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone dahil maituturing na asset ng bansa si Miss Supsup.

Kung sakali, makakasama na ni Supsup sina boxing champion Manny Pacquiao at international singer Lea Salonga sa pagpapakilala ng tourism industry.

Kagabi bago umalis papuntang Estados Unidos, nagkita sina Pangulong Benigno Aquino III at Supsup sa Ninoy Aquino International Airport terminal II. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply