Shamcey Supsup nag-courtesy call sa QC

MAINIT na sinalubong ng mga opisyal ng Quezon City Hall si Miss Universe 3rd Runner Up Shamcey Supsup sa ginawang courtesy call ngayong tanghali sa lungsod.

Nanguna sa mga opsiyal na sumalubong sa beauty queen ay sina Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Binati ng mga ospiyal si Shamcey dahil sa tagumpay at karangalan na ibinigay nito sa bansa sa katatapos na 2011 Miss Universe na ginanap sa Sao Paolo, Brazil nitong Setyembre 13.

Bilang regalo, ibinigay kay Shamcey ang isang bag na gawa mismo ng mga kababaihan ng lungsod sa ilalim ng livelihood projects kasama ang mga konsehal.

Agaw-eksena naman si Councilor Alfred Vargas na nagpa-autograph pa sa beauty queen sa unahang bahagi ng polo niya.

Pagkatapos ng 30 minutong pananatili sa city hall ay nagtunog na si Shamcey sa UP Diliman kung saan ito nagtapos ng B.S. Architecture na isang magna cumlaude.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply