‘Show cause notice’ laban sa jeepney operators itinakda ng LTFRB

NAGTAKDA ngayon ng “show cause notice” ang Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga jeepney operators na sangkot sa tigil pasada noong Lunes (Setyembre 19).

Ayon kay LTFRB Chair Jaime Jacob, hihingan nito ng paliwanag ang bawat operators kung bakit hindi dapat bawiin ng gobyerno ang kani-kanilang mga prangkisa kaugnay sa pakiki-isa sa naganap na transport strike.

Sinabi pa ni Jacob na pursigido ang gobyerno na imbestigahan ang mga nasa likod ng transport strike, dahil nakaapekto  sa mamamayan ang nasabing tigil-pasada.

Hindi umano pagsikil sa karapatan ng malayang pamamahayag o ekspresyon ang kanilang ginagawa. Dapat alalahanin ng transport operators na isang pribilehiyo ang prangkisa na hawak nila, at maari itong bawiin kung lumabag ito sa batas.

Bukod dito’y hahabulin din ng gobyerno ang mga drayber na nagbanta at nanggipit ng motorista, dahil sa paghihikayat na makiisa sa isinasagawang transport strike. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply