The Buzz ayaw paawat sa kasikatan

PATAWA talaga itong si Manang Cristy Fermin na dahil sa walang ROI o return of investment ang mga show sa TV5 ay wala na itong ginawa kundi ang isulat araw-araw sa kanyang mga kolum ang mga Kapamilya star na lilipat kuno sa Singko. Okey lang sana kung totoo ngang mag-oober da bakod ang mga binabanggit niyang artista ng ABS-CBN like Angelica Panganiban, Robin Padilla, Bea Alonzo, at ang da height, pati raw sina Anne Curtis at Cristine Reyes ay lalayasan na rin ang Dos at lilipat na rin sa Kapatid network. Si Megastar Sharon Cuneta, paulit-ulit na lang ang issue na lilipat na rin daw sa nabanggit na TV network.

Hello? Hindi porke’t nasa TV5 na sina Willie Yabang Revillame at Aga Muhlach eh susunod na rin ang mga artistang dinadawit mo Bubog! Saka, bakit sila lilipat e bongga ang career ng mga ito sa rami ng mga project nila sa Dos at Star Cinema? Ano ba talaga kasi ang gusto n’yong palabasin na makukuha n’yo ang mga celebrity na ‘to dahil sa pera n’yo? Kawawa naman kayo. Para mapansin ang TV network n’yo, panay ang gamit n’yo sa mga Kapamilya star na nagugulat na lang sa mga press releases ninyo.

Pero teka, bakit mukhang sa mga talent lang ng ABS-CBN kayo nakatutok? Dahil ba mas sikat ang mga ito kaysa sa mga Kapuso stars? Hay naku! Manang Cristy, hindi mga tanga ang mga binabanggit mo sa ‘yong kolum dahil alam naman nilang babagsak ang kanilang popularity kapag lumayas sila sa kanilang mother network. Look n’yo ang mga nag-transfer sa inyong sina JC de Vera, Princess Ryan, Regine Angeles, Nadine Samonte, naging mga starlet tuloy.

Hay naku! Ang mga susunod sa kanila, malalaos. Korek na korek gyud!

***

The Buzz ayaw paawat sa pagiging sikat na Sunday showbiz talk show

MAJORITY rito sa Pinas at mga kababayan natin sa abroad na subscribers ng TFC o The Filipino Channel ay nakatutok every Sunday sa The Buzz. Pagdating naman kasi sa mga latest showbiz issues involving our famous celebrities na buong ningning talagang pinag-usapan buong linggo sa apat na sulok ng mundo ng showbiz, di nagpapahuli ang The Buzz. Masisipag kaya ang mga writer at researcher ng nasabing Showbiz Talk show kaya lahat ng mga pinag-fiestahan, mapanonood lahat sa kanila.

Nasa kanila rin ang mga mahuhusay at pawang may kredibilidad na hosts sa pangunguna ng haligi ng The Buzz na si Kuya Boy Abunda kasama ang mga naggagandahan at talented nitong co-hosts na sina KC Concepcion, Charlene Gonzales at Toni Gonzaga.

At mamaya, ilan sa mga pag-uusapan sa show ay ang pakikipag-plastikan lang diumano ni Toni kay Mariel Rodriguez na naging sanhi upang umalis si Mariel sa noontime show nito sa Dos. May big promo rin para sa pinag-uusapang pelikula nila Cristine Reyes, Anne Curtis at Derek Ramsay na “No Other Woman.” May iba pang celebrity guest na iinterbiyuhin nila Kuya Boy, KC, Toni at Charle para sa kani-kanilang segment dito.

Mapapanood ang The Buzz at 4:30 to 6:30 p.m. after “Growing Up” na super taas rin ang rating.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply