Si Juan at si Toto

NOONG Agosto 28, tinalakay ng kolum na ito ang tungkol sa halos 2,000 container vans na naglaho habang inililipat sa Port of Batangas mula sa Port of Manila at Manila International Container Terminal.

Inurirat din natin ang pag-amin ni Batangas Customs Collector Juan Tan, na sa kalye at sa isang parking lot nila ginagawa ang inspeksiyon ng mga container na dumarating sa kanyang puerto, sa halip na sa official container yard ng Batangas port na nasa Asian Terminals, Inc., ang arrastre operator doon.

Malinaw na hindi na nai-inspeksiyon ang mga kargamentong nasa loob ng vans dahil unang-una’y nasa ATI container yard ang mga kagamitang pamputol ng selyo ng containers. Kaya di malayong may mga sabwatang nangyari na nagresulta sa milyones na buwis na nawawala sa gobyerno.

Ngunit higit na nakababagabag ang posibilidad na ang mga pinalusot na containers ay nagtataglay ng mga mapanganib na kontrabando, pati na ng tinatawag na anti-social materials tulad ng droga, baril, explosives at mga kemikal para sa paggawa ng shabu.

Alam ng lahat na palala nang palala ang problema sa droga. At paano naipasok sa bansa ang mga kemikal at  kagamitang natagpuan ng mga awtoridad sa mga na-raid na laboratory ng iligal na droga sa Metro Manila at mga karatig-pook? At ang mga matataas na kalibreng baril na ginagamit ng criminal syndicates, hindi kaya sa ganitong paraan din ipinupuslit?

Isang taga-Customs ang nagsabi na ito palang si Collector Tan ay tatlong ulit nang naitsapuwera sa hinawakan niyang mga puwesto. Una ay noong 1999 nang tanggalin siya bilang District Collector ng Cebu ng kanya mismong pamangkin at noon ay Customs Commissioner Nelson Tan. Sumunod ay nang alisin siya sa Davao Port ni dating Commissioner Tony Bernardo noong 2002. At kamakailan. inilagay rin siya sa floating status ni Alvarez dahil sa nawawalng container vans sa Batangas.

Ngunit nandiyan pa rin si Tan. Para pala siyang si Juan Manuel Marquez na paulit-ulit bumabangon mula sa sunod-sunod na knockdown ni Manny Pacquiao.

Nagtataka rin itong ating impormante sa Customs kung bakit daw itong si Acting Deputy Commissioner for Enforcement Horacio “Toto” P. Suansing ay tila hindi naipatutupad ang mga regulasyon sa Aduana. Hindi raw sana nagkaroon ng mga kontrobersiyang gaya ng missing containers kung masigasig lang si Suansing sa pagpapatupad ng Customs laws and regulations.

Pero siya na rin ang nagsabi na malakas daw talaga ang kapit ni DepCom. Suansing. Nagsimula raw ito sa Customs bilang Special Agent 1 lang pero siya’y pitong ulit na na-promote sa ilalim ng administrasyon ni ex-President Gloria Arroyo. Ito raw ay dahil sa impluwensiya ng isang mambabatas na kanya umanong backer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply