Si Vice ang intimidated sa pagka-game ni Derek

MASUWERTE si Derek Ramsay na wala sa general presscon ng “Praybeyt Benjamin” na pinagbibidahan ni Vice Ganda at palabas na sa October 12. Siguradong hindi rin siya makaliligtas tanungin kung natikman na siya ng bading.

Buong ningning na umamin sina Eddie Garcia, Carlos Agassi at DJ Durano samantalang si Kean Cipriano ay wala pa raw karanasan.

Anyway, sa pelikulang ‘Praybeyt Benjamin’ ay natikman ng bading si Derek sa katauhan ni Vice.

Mas nahirapan pa raw si Vice nang gawin na nila ang ilang seksing eksena.

“Like, doon sa mga eksena namin na ano, medyo maselan, bed scene at shower scene, ako ang nahihiya.Kasi, hindi nawala ang malisya sa akin. Sa kanya, walang malisya. E, sa akin mero’n talaga.

“Hirap na hirap akong umarte. Hindi ko maarte na wala na. Hanggang ngayon mero’n pa. Kahit ‘yong huling shooting namin, ‘yong shower scene, sinabi ko na, ‘Pwede ba huwag na ‘yong shower scene.’

Nahihiya ako, tumatayo talaga ang nipples ko,” pagkukuwento ni Vice.

Natensyon talaga siya na nakasama si Derek sa pelikula.

“Gusto ko siyang makasama kasi pinagpapantasyahan ko siya noon pa. Kaya lang, sa sobrang welcoming kasi ni Derek, ‘tapos sobrang generous sa mga friendship, walang kaarte-arte.

As in, wala siyang arte, at open siya sa lahat. So, ako ang nahihiya,” sey pa niya.

Gumanap bilang isang sundalo si Vice sa malaking bahagi ng pelikula. Hindi ba siya nahirapan sa army training na kanilang ginawa?

“Physically, mahirap po siya.Pero, ‘yong kabuuan po kasi ng pelikula, honestly, sinasabi ko nga kay Direk, parang hindi ako nahirapan dito. Parang okay ako dito, na ang gaan-gaan. Parang kahit umuulan na, nag-uubuhan kami, hindi namin masyadong napansin. Kasi, ang saya ng grupo namin. Para kaming magbabarkada, harutan lang po kami nang harutan. Yong pagod po, parang nararamdaman na lang namin pag-uwi,” aniya pa.

Talbog!

0o0-

MARAMI sa press ang naloka sa attitude ni Erik Santos pagkatapos maglahad ng kanyang saloobin si Kuya Boy Abunda. Iisa ang  pananaw ngayon kay Erik na walang utang na loob at may asal.

Naniniwala kami na kung walang Backroom at Boy Abunda na nag-manage sa kanya after na manalo siya sa “Star In A Million” ay baka wala na siya ngayon. Nasaan na ba ang mga ibang winner ng pakontes na ‘yan?

Naniniwala kami na malaki ang nagawa ng Backroom sa mga isyung pinagdududahan ang kanyang gender at nagkaroon ng damage control kaya patuloy siyang umangat at nagka-career.

Sa industriyang ito, hindi lang naman kailangang magaling ka lang. Dapat ay may maimpluwesnyang nagpapalakad at sumusuporta sa career mo para ma-maintain ang popularidad at career mo.

Nakalulungkot dahil kay Erik pa nanggaling ang advise sa isang male singer na bakit raw sa Backroom pa magapapa-manage? Buong ningning daw niyang sinabi na ‘wag magpahandle sa Backroom.

Tama ba namang gawin niya ito sa agency na nag-aruga sa kanya at nagpalaki ng pangalan niya bilang mang-aawit?

Ewan namin kung saan patutungo ang career ni Erik kung ganyan pala ang attitude niya at nasa loob ang kulo. Baka sumunod siya sa yapak ni Ronnie Liang na nabibingi ang katahimikan ng career ngayon at hindi na namin nasisilayan ang kanyang mga ngiti.

‘Yun na!

-0o0-

PERSONAL: Gusto naming batiin ang aming kaibigan na si Genesis Gallios ng maligayang kaarawan. Meron siyang birthday show ngayong gabi kung saan ay guests niya ang Masculados Dos at si Gerald Santos at uulan ng mga nagguguwapuhang lalaki. Isang pinakabagyong pagtatanghal ngayong Biyernes ng gabi entitled LIPGLOSS ‘Genesis BDAY BASH’ sa Planet Xanadu, Scout Borromeo, South Triangle, Quezon City malapit sa National Book Store, Quezon Avenue.

-0o0-

SAKTONG mapapanood namin sa October 2 sa Hong Kong ang tinaguriang Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala dahil magbabakasyon kami at flight namin ngayong araw na ito.

Special guest si Clifford sa 6thYear Anniversary for NEW MARCOSENOS ASSOCIATION in Hong Kong, 1-8pm at the SAI YING PUN Community Complex Central.

Magiging ganap na rin siyang recording artist dahil meron na siyang sampung kanta na ire-record sa Hong Kong na mix English at tagalog. Kasama rin siya sa album  ng mga grupo ng mga Ilokano.

“Kasama ko sina Vhen Bautista, Alex Barut and Noraline Domingo, mga Ilocano recording artist ang mga ‘yan under Aweng Records, California. Nasa California po sila, bale sa Hong Kong po ako mag-record, tapos ipapadala ko’ yun recording ko sa California para mapagsama-sama namin sa album,” kuwento pa ni Clifford na ipinanganak sa Tagudin, Ilocos Sur.

Sa Macau naka-stay si Clifford at natutulungan din niya ang mga kababayan natin na maipasok ng work sa Macau.

“ Madaming pamilya ang nagpasalamat sa akin. Di lang OFfW’s icon ang turing nila sa akin, isang  OFW’s hero po daw ako,” sambit pa niya.

Pero may ha-hunting-in si Clifford pagdating sa Pilipinas na isang baklang  si E na nadikit sa isang female singer dahil pinangakuan ng kung anu-ano at hiningan ng pera sa pamamagitan ng sponsor niyang si Lorenza Rodriguez.

“Nanloko sya sa akin, humanda sya paguwi ko. Humanda sya sa pag uwi ko,” pagbabanta niya.

Sa mga updates kay Clifford Allen Estrala, bisitahin ang kanyang website na www.cliffordallenestrala.tk

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply