Si Virgie Torres, Immigration sa Boracay at NCRPO-RPIOU

PANGAKONG napako! Yan ang tawag ngayon  sa Kaputukan ni PNoy na si LTO Chief Virgie Torres.

Buti naman daw at kaputukan si Virgie, di gaya ng iba na pinuputukan ni PNoy, sabi ni Lea Botones.

Simula raw kasi nang umupo si Torres pana’y na ang pangako nito na tatanggalin ang korapsyon sa ahensiya.

Uunahin daw na limasin ang kolorum at mauusok na sasakyan sa kalye.

Bubusisiin din ang mga modus na kambal-plaka na ginagamit ng mga carnap vehicle.

ONE YEAR NA

May isang taon na ang nakalilipas pero mukhang wala pa atang natutupad kahit isa sa ipinangako ni Assec.?

Sa halip na mabawasan o maubos ang mga kolorum ay lalo pa itong dumami at dumami rin ang mga iligal na terminal sa bansa.

Tanong tuloy ng ating uzi…

Sino ba ang director ng LTO enforcement?

Magkano ho ba, Sir?

Nakararating ba kay Assec. yan?

PHIL KALBO NG LTO

Isa ang Pilipinas sa may pinakaruming hangin sa buong mundo.

Bakit? Dahil maraming gago r’yan sa LTO na makakuha lang ng pera ay wala na itong pakialam sa kalikasan.

Base sa bulong ng ating uzi, makikilala mo raw ang gago sa LTO sa tawag na Phil Kalbo.

Ito raw yung gumagawa ng pera mula sa mga emmission testing center na ang modus ay non-appearance.

BIKTIMA NI KALBO

Ang huling naging biktima nitong si Phil Kalbo ay isang kompanya r’yan sa Sta. Maria, Bulacan na nakotongan nila ng halagang P300,000.

Ipinasara ito kamakailan lamang dahil sa modus na non-appeance pero dahil sa naghatag ito kay Phil Kalbo ay dali-dali itong nabuksan.

Alam na naman ba ni Assec. Virgie Torres ito?

DAYUHAN NA ANG SIGA SA BORACAY

Darating ang araw na wala nang magiging hanapbuhay ang mga PNoy sa Boracay.

Bakit? Dahil mismong mga dayuhan na ang nagtatrabaho rito bilang mga tourist guide at hindi na mga Pinoy.

TAIWAN TRAVEL AGENCIES

Ilan sa mga kompanyang kinukuwestiyon ay ang Faithfully Travel and  Tours na pag-aari ni Mr. Kao Yun (aka Roger Kao), Diamond Travel ni Ms. Vanessa Lui at New Images Travel ni Mr. Allan Lui at Huang Huey Bih.

Puro dayuhang Taiwanese ang tauhan ng mga ito pero malaya silang nakapag-ooperate sa Boracay. Bakit? At magkano?

SINO ANG PADRINO

Malakas daw sa Bureau of Immigration ang mga kompanyang ito kaya hayagan na kung babuyin nila ang mga Pinoy na nasa Boracay.

Ilan sa mga pinangalanang dayuhan ng ating uzi ay sina… Faithfully Travel:

1.) Tsao Kuo Chiang
(aka Happy)
2.) Kao Kung Yu
(aka Asong)
3.) Chuang Wei Te
4.) Hsu Chiao Wei
Diamond Travel:
1.) Chang Chi Min
(aka Milky)
2.) Liu Chien Yu
(aka Andrew)
3.) Chang Chi Min
(aka Jerry)
New Images Travel:
1.) Wu Kuo Chen
2.) Tseng Ming Piao
3.) Lin Ping Cheng
4.) Eric Wu

Nabatid na noon pa mang panahon ng nakaraang administrasyon ni GMA ay bagyo na sa BID ang mga kompanyang ito pero ang nakapagtataka ay bakit hanggang kasalukuyan ay bagyo pa rin sa Immigration ang mga ito samantalang nasa matuwid na daan na tayo?

Matanong nga natin si BID Comm. Ricardo David kung exempted ba ang mga kompanyang ito sa matuwid na daan ni PNoy?

NAMBIKTIMA NA NAMAN ANG RPIOU

Sandamukal na namang kuwarta ang kinita ng mga NCRPO-RPIOU sa isinagawa nitong raid sa Malabon kamakailan lamang.

Nang pasukin daw ng RPIOU ang isang bahay sa Malabon na inaasahan nilang may poker game ay wala na itong inabutan kung hindi ang ilang taong nagkukuwentuhan na lamang.

Sa madaling salita “NEGATIVE” ang operation.

BULSA ANG NI-RAID

Dahil sa nag negatibo ang operasyon laban sa iligal na pokeran, bulsa na lang ng mga taong inabutan sa lugar ang ni-raid ng mga gagong pulis ng RPIOU.

Hayun! Limas pati barya ng “boy” na inabutan.

Modus operandi talaga ng RPIOU ang ganitong klase ng operasyon dahil ito rin ang ginawa nila sa isang raid sa Mahjongan sa Binondo, Maynila.

NCRPO CHIEF ALLAN PURISIMA

Malaki ang tiwala ng ULTIMATUM sa pamunuan ni NCRPO Chief Allan Purisima, dahil ito lang din ang pinakakakatiwalaan ni PNoy.

Pero sa nangyayaring ito Gen. Purisima, hindi ho kaya pangalan n’yo ang mabahiran sa ginagawa ng mga magnanakaw n’yong mga tauhan?

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

KOTONGAN SA FX SA DIVISORIA

Idol benny, isusumbong ko po sana yung FX terminal diyan sa Baclaran at Divisoria. Kasi po ang singil ng fx mula Baclaran hanggang Divisoria, eh, 30 lang ngunit pagsumakay ka sa fx terminal ng Divisoria pabalik sa Baclaran, aba’y P45 na!

Idol, kaya naman pala P45 na ang singil, eh, sinisingil daw po sila ng taripa na P150 kada araw. Eh ilan fx po ang bumibiyahe riyan? Napakakapal po, idol Benny, si alyas KABO po ang nangongolekta riyan. Pahirap talaga sa driver lalo na sa pasaherong katulad namin. Don’t publish my #. Tnx. +63929560….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply