Sibakin ang mga gurang sa Philippine Airlines

IPINAGTANGGOL at ipinaglaban ng ULTIMATUM ang panawagan ng mga tauhan ng Philippine Airlines na huwag ipatupad ang 45 yrs. old age limit na nais ipatupad ng PAL management.

Yan ang maipagmamalaki natin sa unyon ng mga stewardess na mas kilala sa tawag na FASSAP.

Dahil kawawa nga naman ang mga mawawalan ng trabaho sakaling umabot sila ng 45-anyos na malakas pa at kaya pa namang magtrabaho.

BUGNUTIN NA!

May katwiran din ang management ng PAL sa nais nilang ipatupad na 45-yrs. old limit.

Bakit? Dahil kadalasan daw ay nagiging mabagal na sa trabaho ang ‘may edad na’ at hindi na nito nagagampanan nang maayos ang pangangailangan ng mga pasahero.

Kadalasan ay nagiging masungit pa nga raw ang mga flight attendant na gurang na.

Yun bang === bugnutin

PERSONAL EXPERIENCE

Kamakailan ay bumiyahe tayo patungong Hong Kong. Dahil sa karamihan ay gurang na ang flight attendant na nakasampa sa PAL flight PR311 (HK to Philippines) noong Sept. 3, 2011, naging mabagal ang serbisyo sa eroplano na isang Airbus A-330.

Masikip ang naturang eroplano kung kaya’t kapag nakaharang ang kariton ng pagkain sa gitna ay wala nang makaraang tao na nagnanais tumungo sa palikuran.

PURSER NA GUTOM

Sa halip na tumulong sa mga flight attendant ang purser na si Annie Sulit ay makikita itong nagtatago lang sa isang tabi at “lumalamon” habang hirap na hirap ang mga gurang n’yang kasama sa eroplano.

Ihing-ihi na ang isa sa mga pasahero na si James Uyseco kung saan nakiusap ito sa purser na si Annie Sulit na kung maaari ay magamit ang palikuran sa parteng ha-rap ng eroplano dahil mabagal ang pag-usad ng kariton na kasalukuyang naghahain ng pagkain sa mga pasahero.

Yun bang === traffic sa loob ng eroplano.

MAY TAO SA TOILET

Sa halip na gawan ng paraan ng purser ay sinabi nitong may gumagamit pa ng palikuran kaya naghintay naman itong si Uyseco.

Pero ang totoo pala ay walang laman ang palikuran, at dito lamang sinabi ni Sulit na bawal daw gamitin ang palikuran sa parteng harapan ng eroplano. Sa madaling salita sa halip na sabihin n’ya kaagad ang sitwasyon ay hinayaan n’ya munang maghintay nang matagal ang pasahero.

Saka nito sinabi na “Bawal kayo rito! Pang business class kasi ito!” Yan ang mataray na sagot ni Sulit na isa ring gurang.

Aba’y kung sa silya naihi ang pasahero eh ‘di mas sasakit ang ulo n’yo? aalingasaw sigurado! Ang panghi n’yan!

Bukas ay bakbakan naman natin ang isa pang gurang na stewardess ng PAL na talaga nga namang bastos.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema

INUTIL NA MAYOR AT BISE SA OBANDO

Magandang araw po. Dito po sa amin sa OBANDO,  BULACAN, may ginagawang landfill. Ang mayor at bise mayor ay walang pakialam kung ano ang nararamdaman ng mga tao. Halos ‘di na kami makakain nang maayos dahil sa ginagawang dumpsite. Mga wala silang kwenta, mga mukha silang pera. +63933913…

PERA SA BANCO DE ORO

Nagpadala po ako noong 2010 nang nasa Saudi pa ako. Hindi ko po makuha. Namali lang po siya sa pangalan pero tama naman po ang account number. Sa BDO Daet po ako nagpadala. Ano po ang puwede kong gawin? Maraming salamat po. +639472250409

SAGOT

Maaari kang magtungo sa National Press Club bldg. Magallanes Drive Intramuros Manila, para mabigyan ka ng payo ng ULTIMATUM kung paano ang gagawin at sakaling mangailangan ka ng abogado ay maaari ka rin naming mabigyan ng karampatang tulong.

MGA CHECKPOINT SA TACURONG

Idol, dito sa Tacurong City, at Isulan, dumaraan kami sa mga checkpoint. Madalas naming makita ang mga pulis at sundalo na nagte-text lang kaya nalulusutan sila ng bombers. Dapat disiplinahin sila at hindi lang pamporma ang gawin nila. Sayang lang ang bayad ng tao sa kanila. +63939397….

MENSAHE KAY PNOY

Gud pm, idol. Dapat yung nag-retire nang mga empleyado sa gobyerno ay hindi na  bigyan pa ng posisyon sa government dahil maraming graduate ang naghahanap ng trabaho.  Idol, pakipaabot mo ito kay PNoy.    +63939397….

JUETENG PA RIN SA SORSOGON

Boss Benny, sa amin po sa Bulan, Sorsogon, parang ligal ang jueteng. Kagawad mismo ang nagpapataya. Nang lumabas ang STL, nawala ang jueteng pero front lang yung STL. Salamat. More power sa kolum ninyo, ingat. +63947326….

TERMINAL SA TACLOBAN

Gud am po. May reklamo lang kaming mga driver sa Tacloban sa aming biyahe ukol sa new bus terminal. Kasi ang mga biyaheng Camp Pitic ay pinararaan sa new terminal ng mayor para magkaroon ng income ang siyudad. Wala na po kaming napi-pick up na pasahero kasi doon na sila sumasakay sa biyaheng Camp Pitic. Sana matulungan ninyo po kami, sir.    +639297775183

SAGOT

Maaari n’yong alamin kung tama ba ang ruta na dinaraanan ng bus sa LTFRB, dahil base sa kaalaman ng ULTIMATUM hindi saklaw ng alkalde ang ruta ng transportasyon.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply