Sibakin ang mga ulol na pulis gaya ni PO1 Aparicio

MALAMANG ang unang magiging assignment natin sa bagong upong Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Nicanor Bartolome ay pagsisibakin nito ang lahat ng mga “MGP” (Mga Gagong Pulis) gaya nitong si PO1 Stephen Aparicio ng Manila Police District (MPD) Police Station 2.

Ang pulis na tulad nitong si PO1 Aparicio ay  hindi dapat na manatili sa hanay ng pulisya. Bakit kanyo? Mantakin nyo, PO1, pa lamang ang tarantadong pulis na ito ay nakakulapol na sa katawan nito ang kawalanghiyaan! E paano pa kung maging sargeant, lieutenant, captain, major, colonel o heneral ang gagong ito?

Nabanggit natin ang pa-ngalan ng walanghiyang pulis na ito matapos na humingi ng tulong si John Eleazar Jose, 16 años, student ng Gagalangin, Tondo. Eto ang kuwento. Habang naglalakad daw noong Sept. 9 bandang alas-3:00 ng hapon si Jose sa tapat ng Benitez Elementary sa Solis St. ay bigla siyang hinarang ni Aparicio sakay ng motor nito na may angkas pang bebot sa likod.

Lumapit ang pulis kay Jose at hinawakan siya sa leeg nito at saka tinutukan ng baril sa ulo. Pagkatapos ay puwersahan daw siyang isinakay sa motor bale tatlo silang nakasakay. Habang umaandar daw ang motor ay tinanong ng binatilyo ang pulis kung saan siyang presinto dadalhin nito.

Ang sagot daw ng gagong pulis ay sa “sementeryo at papatayin daw siya.” Dinala ni PO1 Aparicio ang binatilyo sa riles at saka pinababa sa motor at pinatatakbo sabay sabing pag maiwasan niya ang bala ng una ay suwerte niya at buhay siya. Kaya hindi bumaba ang binatilyo.

Kung saan-saan siya dinalang mga presinto para ikulong. Mabuti na lang at hindi nakita ng huli ang mga ka-batch nito. Ang dahilan ng galit na ulol na pulis ay “nang dahil sa pag-ibig.”

Kung ano ‘yun, abangan.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog  @yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply