Signature campaign inilunsad para sa ‘no vote’ ni PNoy sa Palestinian statehood

NAGLUNSAD kamakailan ang KKB Movement ng proyektong NOYP (No to Yisrael Partition) kung saan nangangalap silang lagda, petisyon kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na magkaroon ng NO Vote sa inihahain ng UN General Assembly resolution na nagdedeklara ng isang bagong Palestinian State sa nasasakupang lupa ng Israel na nakatakdang bigyang desisyon ngayong Setyembre 2011.

Naniniwala ang movement na ang political maneuver na ito ay direktang kumakalaban sa layunin ng Panginoon na matamasa ng Israel ang bansang ipinangako sa kanila kung saan sila pagpapalain ng Diyos.

Dahil dito, nakiisa ang KKB sa proyektong NOYP kung saan nagsagawa ang mga ito ng signature campaign upang makumbinsi ang Pangulo na magkaroon ng NO vote ang Pilipinas.

Gumawa rin ng sulat ang naturang organisasyon kay Pangulong Aquino na nakikiusap na bumoto ng NO Vote upang maging ganap na state ang Palestinian.

“It is our prayer that the Holy One of Israel and God of all the earth will graciously grant wisdom to the President, the leader of the Philippines, to take the just and righteous stand with and for Israel and the Chosen People.

As the President heeds God`s special call on his life and his presidency for such a time as this, may the President and our country see and experience in this lifetime and in the coming generations, the fulfillment of the God of Israel`s covenant blessings, “For I will bless those who bless you [Israel] and the one who curses you I will curse. And in you all the families of the earth shall be blessed.” (Genesis 12:2-4), saad ng liham ng naturang organisasyon kay Pangulong Aquino.

Naniniwala ang grupo na pagpapalain ang Pilipinas kung boboto ng NO vote ang Pangulo at pinangangambahan namang magkaroon ng matinding kalamidad ang bansa kung boboto ng YES ayon na rin sa nakasaad sa Genesis 12:2-4.

Kaugnay nito, nananawagan din ang buong Kristianismo na ipanalangin ang pagtatagumpay ng bansang Israel laban sa mga lider ng bawat bansa na nagnanais na maitalaga ang Palestinian state.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply