Signature campaign vs mining ikinasa

INILUNSAD ng tatlong Catholic diocese sa Mindanao ang isang signature campaign bilang panawagan sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na huwag pahintulutan ang pagmimina ng Sagittarius Mines Inc. (SMI) sa Tampakan, South Cotabato.

Ayon kay Fr. Gillarme Joy Pelino, social action center director ng Diocese of Marbel, nagsanib-pwersa sila ng mga dioceses ng Digos at Kidapawan sa pangangalap ng lagda upang tutulan ang pagmimina sa nasabing lugar.

Habang tinitipa ito, nakalikom na sila ng 80,000 lagda laban sa Tampakan project.

Ani Fr. Pelino, tinatarget nila ang 100,000 lagda at pagkatapos ay isusumite nila ito sa Malakanyang.

Ang tatlong dioceses ay sakop ng Tampakan project na makikita sa mga bayan ng Tampakan, South Cotabato; Kiblawan, Davao del Sur at Columbio, Sultan Kudarat.

Nakasaad sa isang petition letter ni Bishop Dinualdo Gutierrez, ng Diocese of Marbel, inilunsad ang naturang signature campaign dahil sa makukumpleto na ng SMI ang kanilang Environmental Impact Assessment, isang importanteng dokumento sa pagkuha ng Environmental Clearance Certificate (ECC) upang maumpisahan ang operasyon nila ng pagmimina sa nasabing lugar.

Sinabi pa Gutierrez na mahigpit ding tinututulan ng South Cotabato ang open-pit-mining base sa ipinasang Environmental Code ng lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply