Simbahan puntirya: 3 bomba pasasabugin sa Cotabato City

KINUMPIRMA ng awtoridad na planong pasabugin ang tatlong bomba Cotabato City kung saan pinupuntiryang was akin ang Immaculate Conception Cathdral, Rosary Heights Parish Church at Queen of Peace.

Ayon kay C/Supt. Felicisimo Khu, hepe ng Directorate for Integrated Police Operation sa Western Mindanao, ang sunud-sunod na pambobomba sa naturang lungsod ay gawa ng grupo ni Kumander Basit Usman, team leader ng mga local recruit ng teroristang Jemmaah Islamiyah.

Samantala, base naman sa taliwas na pahayag ni Cotabato City Mayor Japal Guiani, ang pambobomba sa lungsod ay kagagawan ng ilang tao na galit pagkatapos tanggalin ang kanilang pangalan sa shortlist ng mga caretaker sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Pinaigting ng militar at pulisya ang seguridad sa mga nabanggit na simbahan dahil sa banta ng pambobomba.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply