Sina Kris at Diet na? Sosyal!

NAKAPAG-MEETING na finally ang Queen of All Media na si Kris Aquino para sa movie niya sa Metro Manila Film Festival na iko-co-produce nila ng Star Cinema, ang film outfit ng kanyang manager na si Deo Endrinal at GMA Films, ang Segunda Mano na unang pagtatambalan nila ni Dingdong Dantes. We heard isa sa makakasama nila sa movie si Gladys Reyes.

Nu’ng kahapon (Miyerkules) lumipad naman si Kris patungong Bangkok, Thailand para sa shoot ng TV commercial at pictorial ng kanyang endorsement. Balik ng Pinas si Kris on Sunday.

Marami naman ang nagulat sa rebelasyong pinakawalan ni Kris sa morning show niya na Kris TV tungkol sa kanila ni Diether Ocampo. Guests ni Kris sa episode na ‘to ang champions na sina Marcelito Pomoy, Jovit Baldovino at Angeline Quinto plus si Bugoy Drillon.

Patapos na ang show nu’ng nakiusap si Kris na kantahin ni Marcelito ang kantang “Let The Love Begin.” Nahirapan si Marcelito nu’ng umpisa kaya ‘yung chorus na lang ang pinakanta sa kanya ni Kris at pinasabay sa kanya si Angeline.

Pagkatapos kumanta nina Marcelito at Angeline, bumanat na si Kris nang ganito, “Tinext sa akin ‘yan ni Diet (Diether Ocampo), Let The Love Begin,” nakangiting sabi ng TV host.

Wow, ha? Let the love begin kina Kris and Diet? Aba, why not? Pareho naman silang single and married once. ‘Yun nga lang si Diet naayos na ang annulment ng kasal nila noon ng ex niya na si Kristine Hermosa who is married now to Oyo Boy Sotto. Pero si Kris may hinihintay pa sa annulment case nila ng ex-hubby niya na si James Yap.

***

HALO ang reaction na nakuha namin sa kauna-unahang live interview ni Toni Gonzaga sa real-life boyfriend niya na si Direk Paul Soriano sa “The Buzz” last Sunday. May mga nag-react in defense of her lead star sa movie niya na “Thelma” na si Maja Salvador especially nu’ng tinanong na ni Toni si Direk Paul kung niligawan ba niya  ang young actress.

Napakadiin daw kasi ng pagkaano ni Direk Paul as if naman walang karapatan si Maja na magkagusto siya. In fairness, umaapaw ang ganda’t kaseksihan ni Maja, huh? Kahit sino’ng lalaki ‘di makakatanggi ‘di lang sa panglabas na kaanyuan niya kundi pati sa kanyang kaloob-looban.

Personal na nakita kasi namin kung paanong nagsimula sa showbiz si Maja at kung gaano siya kabait na anak sa kanyang mga magulang at kapatid. All her life, walang inisip si Maja kundi mapabuti ang mga taong minamahal niya.

At kahit breadwinner si Maja, wala tayong narinig na negative issue about her being a prodigal daughter o binastos man lang kahit isang beses ang kanyang ina.

Hanggang mag-debut si Maja nakita namin kung paano siya nag-effort na mapagsama-sama ang kanyang buong pamilya including her father na si Ross Rival na matagal niyang hinanap.

Ginastusan ni Maja ang pagpapagamot dito hanggang sa kahuli-hulihang hininga ng kanyang ama. Pati mga anak ni Ross tinutulungan ni Maja hanggang ngayon.

Bilang artista, bow kami kay Maja. Never pa niya kami dineadma everytime na nagkakasalubong kami sa hallway ng ABS-CBN o kahit sa anumang showbiz affair. Laging siya ang nauunang bumati at never kaming binigo for an interview. Kaya knows namin na ‘di deserved ni Maja ang mga paninira at panlalait na ibinabato sa kanya.

Nakita rin namin ang pagod at dedikasyon ni Maja nu’ng ginagawa niya ang Thelma.  Tapos ngayong ipapalabas na sasabayan naman siya ng negative issues. Sobrang unfair nga naman ‘yan kay Maja na wala namang inisip na masama sa kapwa bagkus, super pagsisikap sa buhay ang pinagkakaabalahan.

Sa September 7, showing na ang Thelma. Kaisa kami sa mga nagdarasal na maging matagumpay ang first solo movie ni Maja dahil she deserves it.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply