Sindikato sa casino minamatyagan na

MAHIGPIT na minamanmanan ngayon ng Manila City Hall detachment ang mga sindikato na nagsasagawa ng operasyon sa mga casino kung saan nabiktima ang mga dayuhang Koreano.

Ang hakbang na ito ay matapos na humingi ng tulong kay Chief Insp. Marcelo Reyes, hepe ng  City Hall detachment at General Assignment Section (GAS), ang magulang ng  “kidnap me” victim na si  Lee Jung Bong, 25, mula sa Korea.

Nanghihingi si Lee ng $27,000 bilang “ransom money.”

Ayon kay Reyes, agad silang nagtungo sa City State Tower Hotel sa  Mabini, Maynila hanggang sa maberipika na si  Lee ay may utang sa isang financier ng casino na si Jo Chang Kyu dahil sa paglalaro sa casino.

Nakipag-usap si Reyes kay Jo at hiningi nito ang pasaporte ni Lee na kasalukuyang nasa kanyang pangangalaga.

Nabatid na miyembro ng sindikato si Jo at hinaras nito si Lee upang kumita ng malaki sa pamamagitan ng pautang sa mga naglalaro ng casino.

Ayon pa kay Reyes, modus operandi na umano ng mga financier sa casino ang ginawa kay Lee kung kaya’t nagtataka si Reyes kung bakit walang aksiyon dito ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Umapela rin si Reyes sa mga dayuhan na umiwas sa mga sindikato dahil ang  imahe ng Pilipinas ang nalalagay sa  kritisismo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply