Sindikatong postman sa Philpost sinibak na

TUTULDUKAN na ng Philippine Postal Corporation ang iligal na pagbubukas sa mga package na idinadaan sa kanilang ahensiya matapos ang pagkakahuli sa CCTV camera sa aktong pagbubukas ng package ng postman na si Lovelyn de Leon.

Si de Leon na sinibak na sa puwetso ay nahuling nagbubukas ng package nang walang pahintulot ng may-ari, kasama ang isang tauhan ng Bureau of Customs noong nakaraang Biyernes, Setyembre 2, kung saan inipit ang isang sobre na may laman umanong pera.

Sinabi ni Josefina dela Cruz, Post Master General ng Philpost na nagkaroon ng lapses sa kanilang mga tauhanan na nakakita sa ginawa ni de Leon. Posible aniya na kasabwat ang mga ito ni de Leon kaya hindi agad siya hinuli.

Samantala, natanggal na sa pwesto ang tauhan ng customs na kasama ni de Leon sa video na nagbubukas ng package sa Central Main Exchange Center (CMEX) sa Pasay City.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply