Singer-actor depressed sa kawalan ng projects

BAGAMA’T hindi naman vocal about it, depressed daw sa ngayon ang isang singer/actor dahil mukhang na-freeze ang kanyang singing at acting career righ after his movie with a personality whose showbiz career seems to have suffered a drought considering how enormously promising she was many years ago when she was touted to be the young actress most likely to succeed in tinsel town.

Pa’no naman kasi, she had other things in mind then and was not so keen in pursuing a showbiz career.

But just when she was ready and decided to make a career out of it, the movie-going public seem to have lost interest and are more interested in younger and fresher talents.

How tragic if not out and out pathetic.

Huhuhuhuhu!

Anyway, the lady is not in any way affected since she still has some projects on the side, not to mention her hosting job with the network of which she is handsomely compensated. Ang nakahahabag talaga ay ang singer/actor na ‘to na tipong neither here nor there ang showbiz career.

Buong akala kasi niya noon ay talagang hahataw na ang kanyang showbiz career specially so when he was given the chance to co-star with this actress who seems to be problematic with her lovelife just like in the not-so-distant past.

Beautiful and intelligent as she is, she seems to attract the wrong guys.

For some baffling reasons, the wrong guys seem to gravitate around her just like now when she seems to be involved with someone who maybe hunky and erotically appealing and fabulously well endowed too, (Hahahahahaha!) but the tragic irony of it all is that he’s libido is supposedly focused on men who are gifted in that department too. Hakhakhak!

How gross!

The funny thing is that the brown-skinned actor used to be the lover of this disenchanted singer/actor and they were quite an item then for many a good month. Hakhakhak!

Indeed, what goes around, comes around. Hahahahahahaha!

No wonder, mum is the word na lang ang appealing singer/actor when his leading lady confided into him all the supposedly ‘crazy’ things that she’s been able to experience with her lover at the moment. Hahahahaha!

‘Yun na!

***

Sosyal!: Host na si Victory Park & Shop ang Wonder Gays

TINGNAN mo nga naman ‘yan, di na talaga ma-reach ang mga bonggacious humataw ng kantang alaga ni Lito de Guzman, ang Wonder Gays (na nakilala sa superfab na Blind Item na isa ng certified gold as of the moment.) Sila lang naman ang hosts sa grand opening ng Victory Park & Multi-level Parking Complex na matatagpuan mismo sa tabi ng makasaysayang Antipolo church sa Antipolo City.

Performers sa grand opening ng nasabing mall ang Prince of pop na si Erik Santos, Valerie Concepcion, 6 Cyclemind, Paraluman at Banda ni Kleggy.

Indeed, these energetic performers have successfully penetrated musicville by way of their songs that are lilting and amusing at the same time.

Going back to Victory Park & Shop, ang nasabing lugar ang solution sa matagal nang problema sa parking spaces kapag nagpupunta sa Antipolo.

Multi-level kasi ang parking ng mall na katabi lang ng simbahan.

Matatagpuan dito ang mga fave n’yong coffe shops, bakeshops, restaurants at ang Puregold Supermart na kilala sa mga affordable na bilihin.

What’s really unique is the fact that an indoor basketball court, along with a mini-museum, can be found here.

Bonggacious, di ba naman?

Sing-unique ng singing prowess ng grupong Wonder Gays.

Effect na ba, Danny B.?

‘Yun na!

***

Mga sexy star of the late 90s tigbak na ang mga career

MARAMI ang nakapupunang bibihira nang napagkikita ang mga sexy star of the late 90s and the year 2000 up sa pelikula o telebisyon man.

‘Yung petite na sexy actress noong hataw talaga sa paggawa ng mga pelikula ay bibihira ng mapagkikita sa show business at mukhang wala nang interesadong kumuha sa kanila lalo na’t mga bata talaga ang nagpapa-sexy ngayon sa pelikula tulad ni Cristine Reyes, na humahataw talaga ang following ng afternoon soap na “Reputasyon” kung saan classic talaga ang mga tarayang eksena nilang dalawa ni Aiko Melendez na medyo nagbalik na naman sa rati ang bilugang katawan at di na ba slim-slimang tulad noong nagsisimula palang ang kanilang afternoon soap.

Anyhow, bumagay naman sa kanya angbilugang pangangatawan dahil di naman siya girlie-girlie sa bonggacious na soap na ‘to. Hahahahahaha!

Nevertheless, if there’s one thing with Aiko, it’s the unassailable fact that she’s such a fine consummate actress.

Anyhow, going back to the hot sexy actresses that were very much in vogue during the late 90s, it’s indeed very disappointing that most of them are no longer active and if so, they are given nothing substantial than a glorified extra at the most or a character that’s not of vital importance.

Tipong pangparami lang ba at swerte nang matutukan ng camera nang medyo matagal-tagal.

How pathetic!

Ito na nga lang petite na boldstar na minsa’y naging flavor talaga ng mga hot-blooded Pinoys ay nasa isang cheap na cable channel na lang yata at nagtitiyaga roon for wanting of better things to do. Hahahahaha!

Oo nga’t may mga bookings (both legitimate and not so legit, if you know what I’m hinting at….Hakhakhak!) pa rin siya pero madalang pa ‘yun sa patak ng ulan at kung magka-meron man, binabarat siya nang husto.

Kaya kung dati-rati’y hilig niya ang mga signature bags, ngayon yata’y binibenta na niya ang mga ‘yun at a very much lesser price.

Kawawang talaga.

Buti na nga raw ‘yung isang medyo bilugang sexy star at maganda-ganda pa ang take home pay (maganda-ganda raw ang take home pay, o! Hakhakhak!) dahil tak-mau siya at go talaga sa mga far away places para bongga ang payzung. Hakhakhak!

Within the metropolis kasi ay talagang no takers na dahil ang gusto nila’y new dish at ayaw na nang medyo tiguwang na. Hakhakhak!

Well, that’s the tragic irony of life. When you’re young, the world is at the tip of your fingers but the very moment you’re old and faded, no one seems to remember how gorgeous you once was.

Buti nga ‘yung isang morenang bombshell of the 80s at naging maagap at nag-asawa ng rica-ricang foreigner kaya di siya hirap at maayos pa rin ang pamumuhay.

Di ba tulad du’n sa isang beauty queen of practically the same era na minsa’y naging reyna talaga ng kadatungan na ngayo’y poor as a rat na at faded glory na ang beauty.

And to think na marami ang nag-akalang hindi siya maghihirap dahil marami siyang sound investments but just the same, she was able to squander these and is now poor as a rat.

Kaya ‘yung mga nauuso riyan at hinahabol-habol ng mga DOMs, darlings, make hay while the sun still gloriously shines.

For all you know, youth is such a fleeting commodity, better make the most out of it while you’re still much sought-after and young.

Period!

***

Maswerte si Ate Vi sa pagkakaroon ng isang loyal follower na tulad ni Jimi Escala

NOW that I’m quite getting to become a fixture of sorts every time the group would pay Queenstar Vilma Santos a visit at her imposing office in Batangas, I am given the chance to meet her staff, along with the people she gets to work with.

Kung magulo at nagkakagulo ang mga tauhan ni Nora Aunor dahil sa kawalan ng disiplina, everything is predominantly running smoothly in as far as Ate Vi’s staff is concerned.

Pati talaga ‘yung mga nagsisilbi ng mga pagkain sa press ay magagalang at di mga ilusyunado. Hakhakhak!

A reflection on how good and competent a boss Queenstar Vi is.

Unang napuna ko sa pagpunta-punta namin on a monthly basis sa balwarte ng aming paboritong aktres ay ang kagandahan ng pag-uugali ni katotong Jimi Escala.

Sa totoo, he’s one person who genuinely loves Ate Vi in a highly selfless manner.

Lahat ng press na dumadalaw roon ay personal niyang inaasikaso at PR to-the-max talaga siya para sa kanyang reyna.

Since the Queen happens to be a very busy personality with one thousand and one things to attend to, Jimi Boy makes it a point that the press are well entertained and attended to.

Para walang magtatampo, sila muna ang kanyang inuuna niya at saka na siya.

No wonder, Ate Vi respects him and is admittedly very fond of him.

“Kung pupunta kayo sa Batangas, Pete,” she informs us when we met inadvertently at the ABS-CBN presscon area, “pakisabi na lang kay Jimi.”

From that statement alone, one would know how she respects Jimi a lot and how she trusts him absolutely.

Para naman kasing mother hen itong si Jimi at ang mga bagay-bagay na medyo nao-overlooked ng mga tauhan ng lady governor ay siya na ang nagpupuno.

Kunsabagay, it takes two to tango.

Kaya naman ganon katindi ang loyalty ni Jimmy ay dahil sa napakabait at considerate boss naman ni Ate Vi.

***

Behave na sina Mario Bautista at Carla Abellana

HAHAHAHAHA! Amused kami sa professional attitude nina Carla Abellana at colleague Mario Bautista sa presscon ng “Kung Aagawin Mo Ang Langit” na mapanonood na sa afternoon block ng GMA Network starting September 19.

Dati kasi, nagkaroon sila ng heated confrontation sa isang Regal Entertainment presscon kung saan na-irritate talaga si Mario dahil ina-accuse raw siyang kinu-qoute si Carla without the benefit of an interview samantalang ni-lift lang naman daw ng aming colleague ang qoutation na ‘yun sa press release ng Regal.

Anyway, that’s water under the bridge now since they have obviously smoked the peace pipe already and are more or less civil with each other.

Anyway, bongga ang bagong soap na to ng GMA in the sense na magkakaeksenahan sina Carla (Ellery Martinez) at Michelle Madrigal (Brigette Samonte) over the love of one man, Jonas Alejandro as delineated by the Starstruck 2 Ultimate male Survivor Mike Tan.

Kung papanong sisirain ng inggit ang isang ideal relationship ay siyang gist ng soap na ‘to na mapanonood right after “Sinner or Saint” starting September 19 on GMA-7’s Dramarama sa Hapon.

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply