Sino ang perhuwisyo?

SINO ba talaga ang perhuwisyo sa problema sa petrolyo?

Ang mga nagrarali?

Ang mga kompanyang langis?

Ang pamahalaan?

Nagtatanong tayo batay sa mga pinakahuling pangyayari kaugnay ng problema.

oOo

Makaraang malanghap ng lahat ang usok at mapaso sa apoy ng tigil-pasada at protestang bayan ukol sa walang humpay na oil price hike ng mga kompanyang langis, nandiyan na ngayon ang pagkilos ng Kongreso para muling pag-aralan kung pananatilihin o hindi ang oil deregulation law.

Sumunod dito ang pagsasabi ng Petron na merong P15 na expanded value added tax sa bawat litro ng petrolyo ang kinakabig ng pamahalaan.

Minaliit man ng mga Boss diyan sa Malakanyang ang tigil-pasada at protestang bayan, ano ang ibig sabihin ng pagkilos ng Kongreso at pagdadaldal ng Petron?

oOo

Noong kasagsagan ng tigil-pasada at protestang bayan nina Kumrad George San Mateo at Teddy Casino, aba, biglang sinugod ni KKK Mar
Roxas ang dalawa.

“Perhuwisyo kayo sa karapatan ng iba na gu-mamit ng kalsada.”

Yan ang drama ni KKK Mar.

Siyempre pa, sinopla siya nina Kumrad George at Teddy at inginuso sa kanya ang mga kompanyang langis.

Ngayon nga ay dinadaldal ng Petron na P15 kada litro na EVAT pala ang kinakabig ng mga KKK.

Sabi pa ng Petron, ito ang tunay at pangunahing  dahilan kung bakit nag-mamahal ang petrolyo ngayon.

Ito rin kaya ang dahilan kung bakit laging sinasabi ng mga KKK na wala silang magagawa sa problema sa langis?

oOo

Ngayon, babalik tayo sa tanong.

Sino ba talaga ang perhuwisyo, Mr. KKK, este, Mr. Palengke: raliyesta, pamahalaan o kompanyang langis? Sagooottt!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply