Sino nga ba si Tita Kerry (2)

HINDI sinasadya ang pag-kakadiskubre kay “Tita Kerry.”

Ayon kay Jun nangyari iyon nang minsang bumisita sa Hong Kong ang singer na si Gary Valenciano at dahil sadyang kuwela at palabiro si Jun ay napansin ni Michael Vincent, isang broadcaster na may sariling radio program, ang kanyang kakayahan at talent.

Naanyayahan si Jun na maging guest sa programa ni Kuya Mike at doon na nga isinilang ang isang Tita Kerry.. “Nung nag-guest ako, tinanong ako kung anong pangalan ang ano ko e parang ano lang. Wala naman sa ano ko na ibigay yung pangalang Kerina Landi pa,” saad niya.

Nagtuloy-tuloy ang pag-gi-guest ni Tita Kerry hanggang sa magkaroon na siya ng sarili niyang programa.

Noong una ay puro pagpapatawa lamang ang ginagawa niya sa kanyang programang ‘Sundot Kalikot, Payong Baluktot,’ ngunit hindi naglaon ay naging mas seryoso na ang programa na kalaunan ay naging ‘Lovingly Yours, Tita Kerry.’

Sa kasalukuyan masasabing napakalayo na rin ng narating ni Tita Kerry pagdating sa larangan ng broadcasting sapagkat 21 years in service na sa Hong Kong ang kanyang kasalukuyang programang “Pinoy Tayo, Saan Man.”

“Dumaan ako sa butas ng karayom, dahil kumbaga dumaan din ako sa mga pagsubok na matitindi na para kang pinagsakluban ng langit at lupa. Sa ngayon masasabi kong nalampasan na namin yung mga pagsubok at ngayon e naka-take-off na kami. Siguro yan ang masasabi kong blessing ng Poong Maykapal,” ani Jun.

‘Yan si Tita Kerry.

At sa kwento ng kanyang buhay ay napatunayan natin na there’s really no short-cut to success at ang lahat ng bagay ay pinagsisikapan at ayon sa biyaya ng Maykapal.

oOo

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kaba-bayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng La-ngit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply