SLPA naispatan sa Tuguegarao City

NAISPATAN ngayong umaga ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang shallow low pressure area (SLPA).

Base sa satellite and surface data ng PAGASA, natukoy ito sa layong 640 kilometro sa silangan hilagang silangan ng Tuguegarao City (18.5°N; 128.5°E).

Sa ngayon ay mahina pa umano ito subalit malaki ang posibilidad na lumakas sa susunod na 48 oras.

Pinalalakas din umano ito ng intertropical convergence zone (ITCZ) na umiiral sa eastern section ng ating bansa.

Samantala, wala naman umanong magiging epekto sa Pilipinas ang isang bagyo na unti-unting lumalakas sa karagatang Pasipiko.

Bukod umano sa layo nito ay pataas din ang direksyon kaya malabong lumapit sa bansa. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply