SM management tutulong sa imbestigasyon ng pamamaril sa SM Pampanga

TINIYAK ng SM management na tutulong sila sa gagawing imbestigasyon sa naganap na pamamaril ngayong araw sa loob ng SM Pampanga sa San Fernando, Pampanga.

Ikinalungkot ng pamunuan ng SM ang panibagong insidente ng pamamaril loob ng kanilang mall.

Magtatanghali ngayong araw nang barilin ng isang 13-anyos na lalaki ang kanyang karelasyong 17-anyos na lalaki habang nasa harap ng isang restaurant sa loob ng naturang mall.

Kapwa nasa kritikal na kondisyon ang dalawang teenager sa magkahiwalay na ospital dahil sa tinamong tama ng bala sa dibdib sa 17-anyos at sa ulo sa 13-anyos.

Sa imbestigasyon ng pulisya ay lumalabas na pinagplanuhan ng 13-anyos ang pamamaril sa 17-anyos na karelasyon.

Sa nakuhang T-shirt ng 13-anyos ay nakasaad na “Til death.. I love you.”

Sinabi ng SM management na tutulungan nila ang pamilya ng mga biktima.

Sa kasalukuyan ay balik-normal na ang sitwasyon sa nabanggit na mall.

Humihingi rin ang pamunuan ng paumanhin sa mga kostumer ukol sa takot na idinulot ng pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply