Smart Gilas isusunod ang Chinese Taipei

ILANG hakbang na lamang at maabot na ng Smart Gilas Pilipinas ang minimithing titulo sa nagaganap na 26th FIBA-Asia Championship for Men sa Wuhan Gymnasium sa Wuhan, China.
Subalit pihadong dadaan sila sa butas ng karayom.
Makakaharap bukas, Setyembre 23 ng team Pilipinas ang Chinese Taipei sa quarterfinals 3 matapos talunin ang Syria, 75-52 sa Group F kagabi.

Kung sakaling palarin ang Gilas ay makakalaban nila sa semifinals ang mananalo sa quarterfinals 1 kung saan ang magtutuos ay Jordan at Iran.

Magkatunggali naman sa QF2 ang Korea at Japan at ang mananalo ay makakalaban sa SF ang magwawagi sa powerhouse China at Lebanon, (QF4).

Bago nakapasok ang Pilipinas sa quarterfinals ay nagpakitang gilas muna ito ng tatlong come-from-behind upang sumegundo sa Group F.

Kontra Syria, wala pa sa ayos ang laro ng Nationals sa first half kaya umaapuhap sila sa 23-32 sa halftime.

Sa second half ay nagsimula ng mag-init ang Nationals at pinakawalan ang pamatay na press defense kaya naman naagaw nila ang lamang 49-45 papasok ng huling canto.

Si naturalized center Marcus Douthit ang nangalabaw ng maraming puntos para sa Smart Gilas, (20 pts.) subalit si Mark Baracael ang tumarak ng biggest lead, 73-49 may 1:11 na lamang ang nalalabing oras.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply