Smart Gilas pasok na sa 2nd round ng Fiba-Asia

PASOK na sa ikalawang round ng nagpapatuloy na 26th FIBA-Asia Championship for men sa Wuhan, China, ang Smart Gilas Pilipinas matapos na tambakan ang Bahrain sa iskor na 113-71.

Ang koponan ng Pinas ay mayroon ng 2-1 (win-loss) record sa Group D kasunod nang mapait na pagkatalo sa malakas na China, 60-75.

Nagsisilbing qualifying round ng 2012 London Olympics ang Fiba-Asia.

Sa kabila nang pag-abanse sa ikalawang round ay pinoproblema ngayon ng Gilas ang hindi pagpayag ng Fiba na makapaglaro ang dalawang shooting forward nila na sina Marcio Lassiter at Chris Lutz dahil sa isyu ng eligibility.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply