Smart Gilas sasalang vs Bahrain

MATAPOS unang payukuin ng Smart Gilas Pilipinas ang Qatar sa iskor na 69-52 na sinundan ng pagpapaamo sa Jordanian Team sa iskor na 80-75 noong Sabado (Setyembre 10) bago ang pinal na paghaharap sa unang laro nila laban sa Bahrain sa Huwebes sa pagsisimula ng ika-26 FIBA Asia Championship sa Setyembre 15-28 sa Wuhan, China.

Sa unang round ay makahaharap ng Smart Gilas ang Bahrain, Chinese Taipei at United Arab Emirates bago makabangga ang mga bigatin na Indonesia, Japan, Jordan at Syria sa susunod na round.

Ang tuneup games vs sa Qatar at Jordan kung saan nabuo ang blending nina PBA Talk N’ Texters Jimmy Alapag, Jerry Williams at Ranidel de Ocampo at maging si Asi Taulava ay magandang senyales na may magandang ipakikita ang koponan ni coach Rajko Toroman kasama sina Chris Tiu, naturalize Marcus Douthit at Marcio Lassiter.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply