Smart Gilas tatangkaing dumalawa vs Qatar

MULING sasabak ang Smart Gilas PHL sa Qataris bukas ng gabi, Setyembre 11, sa kanilang pangalawa at huling tune-up game matapos na palugmukin ang Qatar nationals sa score na 69-52 sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Sa pagkakapanalo ng Smart Gilas laban sa Qataris, isang mahigpit na depensa ang ginamit ng mga Pinoy subalit hindi pa lubos na nasiyahan si coach Rajko Toroman dahil malaki pa ang kakulangan umano sa kanilang opensa. Ang sumalo sa Smart Gilas sa kanilang panalo ay ang walong triples nina Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo at Marcio Lassiter.

Sina Alapag at De Ocampo ang nanguna sa Smart Gilas sa pinagsamang 20 puntos.

Pansamantalang hindi ginamit ni Toroman si JV Casio upang mabigyan ng pagkakataon na subukan ang ilang players nila na karamihan ay nakapasok na sa PBA sa nakaraang rookie draft.

Bukod kina Alapag, De Ocampo, Kelly Williams at Asi Taulava, makakabilang sa team ang orihinal na miyembro na sina Marcio Lassiter, Chris Tiu, Chris Lutz, Mark Barroca, Japeth Aguilar, Mac Baracael,

Dylan Ababou at Jason Ballesteros. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply