Sobrang tubo ng oil companies bubuwisan na

SA harap nang walang humpay at sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis, inihain ni Sen. Antonio Trillanes ang panukalang batas na tapyasan at patawan ng buwis ang sobrang tubo ng mga kompanya ng langis sa pamamagitan ng “windfall profits tax.”

Layunin ng Senate Bill No. 2959, na ideklara ang industriya ng langis bilang industriya na apektado ng interest ng publiko, limitahan ng hanggang twelve percent (12%) ang tubo ng nasabing kompanya kada taon at ipataw ang progresibong windfall profits tax sa tubo na lalampas sa nasabing twelve percent (12%) na limitasyon.

“The problem is that, under the current deregulated system, Government is virtually helpless in checking the apparent abuses by petroleum industry players in increasing or refusing to decrease the prices of petroleum products even when warranted by market forces,” sabi ni Trillanes.

Magpapatay ang panukala ng fifty percent (50%) windfall profit tax sa mga kompanya ng langis na lalampas ang tubo  sa itinakdang twelve percent (12%) na limitasyon pero hindi lalampas sa twenty percent (20%) ng kanilang puhunan kada taon at eighty percent (80%) windfall profit tax sa mga nasabing kompanya na ang tubo ay lalampas sa (20%) ng kanilang puhunan kada-taon.

Ipinaliwanag ni Trillanes na hindi revenue generation measure ang kanyang panukala kundi paggamit sa police power ng Estado upang  bantayan ang tubo ng mga kpmpanya ng petrolyo, isang industriya na may epekto sa kapakanan ng publiko.

Binanggit pa ni Trillanes na sa pamamagitan ng nasabing windfall profits tax, maikakalat din sa publiko ang sobra-sobrang tubo ng mga kompanya ng langis sa pamamagitan ng karagdagang pondo para serbisyo publiko.

Nanawagan din ang senador sa mga kapwa niya mambabatas sa Senado at sa House of Representatives na samahan siya sa mabilis na pagpapasa sa nasabing panukalang batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply